Dahil sa sunog sa Binondo na kumitil ng 11: Lahat ng gusali sa Maynila, inspeksyunin – Mayor Honey
Advertisers
KASABAY ng kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng 11 nasawi sa sunog sa Carvajal St., Binondo , Maynika, ay inatasan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng Building at Fire Officials na magsagawa ng inspeksiyon sa lahat ng istruktura sa lungsod.
“I will be issuing a memorandum instructing all building and fire officials to conduct thorough inspections of all structures within the city. The structures at highest fire risk especially those buildings that are at least 15 years old will be prioritized in the inspection to determine their compliance with the National Building Code and the Revised Fire Code of the Philippines”,ayon sa opisyal b pahayag ng alkalde na ipinadala ng kanyang spokesperson na si Atty. Princess Abanteb
Nabatid pa na ang dahilan ng inspeksiyon ay upang matiyak na ang mga gusali ay nakakasunod sa umiiral na building at fire regulation.
Samantala, nabatid kay Abante na agad na nagpadala ng tulong ang Manila Social Welfare and Development (MSWD) upang alalayan ang pamilya ng mga nasawi at nawalan ng tirahan at ari-arian. Kabilang din sa dala ng MSWD ay ang psycho-social, medical at financial aids.
Samantala, hinihintay pa ni Lacuna ang opisyal na ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para maintindihan ang dahilan ng trahedya.
“Muli, tapos pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nawalan. May the souls of the departed rest in peace. (ANDI GARCIA)