Zack Tolentino First Title Holder Ng “MISTER PHILIPPINES USA 2024” Nina Monet Lu At Lou Razon; I Skin Head Ma’am Kate Pagkalinawan Namahagi Ng Relief Goods
Advertisers
Ni Peter Ledesma
NAKADAGDAG ng clamour sa yearly beauty pageant ni Ma’am Lou Razon na MISS PHILIPPINES USA, ang MISTER PHILIPPINES USA ng Bff ng decades na si Monet Lu, na tumatayong head of the Inaugural Mister Philippines USA 2024.
Mabilis lang ang preparation nito at dahil expert na ang mabait naming kaibigan na si Monet sa ganitong pageantry, Marami ang sumali at naging very successful nga ang Coronation Night nito last July 28 sa ALEX THEATRE.
At ang itinanghal na kauna-unahang MISTER PHILIPPINES USA 2024 ay si Zack Tolentino. Si Monet ang siyang nagputong ng crown ni Zack na maliban sa crown ay pinagkalooban ito ng worth $10,000 na LVN Scholarship.
“Zack Tolentino’s distinction as the first Mr. Philippines USA 2024 merits our highest commendation, and we offer our sincerest congratulations.” Congratulatory caption pa ni Monet sa kanyang FB post for Zack. Say pa ni Monet, mas exciting ang gagawin nila sa Mister Philippines USA 2025 also for Miss Philippines USA and Miss Young Philippines 2025 ng friend na si Ms. Lou Razon. Well, good luck!
***
MAY malaking puso para sa mahihirap nating kababayan ang owner ng maganda at sosyaling Aesthetic Lifestyle na I Skin na si Ma’am Kate Pagkalinawan. Yes, likas na sa puso ni Ma’am Kate ang pagtulong lalo na sa mga apektadong pamilya dahil sa sakuna. At kasama ng kanyang team at mga empleyado sa I Skin at I Skin Cafe ay nag-repack sila ng maraming grocery items.
At umabot sa hundreds of packs ang naipamahagi ni Ma’am Kate at ng kanyang staff. Ang mga residente ng Old Sta. Mesa at Delpan, Tondo, Manila na apektado ng bagyong Carina ang nabigyan nila ng relief goods at sa pakikipagtulungan ito ng local organizations at volunteers. Ayon pa kay Ma’am Beautiful Kate, masaya ang pakiramdam niya kapag nakakapag-share siya ng blessings at may napangingiti siyang mga tao. By the way, this August 8, 2024 ay may bonggang launching ang I Skin para sa kanilang new Luxury Facials, na sure na magugustuhan ng kanilang mga clients at lahat ng kanilang mga celebrity endorsers. Exciting ang launching event na ito ni Ma’am Kate for her I Skin Aesthetic Lifestyle na located at 2nd floor of SMDC AIR MALL, Malugay St, San Antonio Village, Makati. Expected na maraming dadalo sa said event.
KAPWA friend ni Oliver Carnay ang founder ng Miss Philippines USA at Miss Young Phils. USA na si Ma’am Lou Razon also Monet Lu na Inaugural Head naman ng Mister Philippines 2024. Kaya’t kahit busy si Oliver sa pag-aasikaso sa malalaking show like YOUR MEMEJESTY: VICE GANDA US TOUR 2024 etc. at katatapos lang ng parehong successful US Tour ni Erik Santos at ng grupong Eraseherheads, talagang umattend ito sa Coronation Night ng nasabing international pageant sa ALEX THEATRE sa Glendale, California, USA na naging very successful nga.
Bukod kina Ma’am Lou and Monet ay nakipag chikahan din si Oliver sa mga celebrity old friends niya like Ruffa Gutierrez, Donita and Cher Calvin. Sobrang maganda ang PR nitong si Oliver kaya’t marami siyang local and international celebrity friends. Well, sana all!