Advertisers
Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga opisyal ng gobyerno na maging pamilyar sa pag-iisip ng mga scammer upang mapaghusayan ang laban sa mga mapanlinlang na gawain. “We have to get ahead of the scammers [of those who fake documents, etc]. We have to think the way they think and go a step ahead,” wika ng senador sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee nitong Lunes, August 5. Sa pag-apruba ni Committee chair Senator Pia Cayetano, inihayag ni Senator Alan ang planong magmungkahi ng resolusyon para palawakin ang pagsisiyasat ng komite na higit sa mga dokumento ng pagkakakilanlan upang saklawin ang pagpaparehistro ng SIM card, mga financial system, at mga communication networks. (CESAR MORALES)