Advertisers
May kabuuang 12 na fire volunteers ang nasaktan sa pagresponde sa sunog sa Guidote Street sa Tondo, Maynila na sumiklab nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (NCR) nitong Biyernes.
Sinabi ng BFP-NCR na ang mga nasugatang fire volunteer nagtamo ng paso sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Ayon sa BFP-NCR, patuloy pa rin ang sunog. Nagsimula ang sunog ng 7:51 ng gabi nitong Huwebes.
Umabot naman ito sa ikalawang alarma ng 8:14 ng gabi.
Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog. (Jocelyn Domenden)