Advertisers
PINARANGALAN ang double Olympic gold medalist at gymnast na si Carlos Yulo bilang “Forever Flyer” ng Philippine Airlines (PAL) at tumatanggap ng 150,000 Mabuhay Miles bawat taon habang buhay habang ang Olympic bronze medalists na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio ay ginawaran ng tig-80,000 Mabuhay Miles taun-taon para sa susunod na tatlong taon.
Lubos na ikinatuwa ni Yulo ang biyayang natanggap mula sa PAL gayundin ang pasasalamat ng dalawang bronze medalists na sina Villegas at Petecio na nagsabing gagamitin talaga nila ang ‘Mabuhay Miles’ kapag bumibiyahe pauwi ng probinsya.
Umuwi ang Philippine Olympic team mula sa Paris 2024 Games sakay ng Philippine Airlines (PAL) special “homecoming” flight, na lumapag sa Villamor Airbase, Pasay City noong Martes, Agosto 13,2024
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, iniuwi ng PAL flight PR 8888 mula Dubai patungong Maynila ang mga miyembro ng Philippine Olympic delegation, na nagpalaki sa bansa sa kanilang makasaysayang paglahok sa Paris 2024 Olympics.
Ang flight, na inorganisa ng Philippine Olympic Committee na may suporta mula sa pribadong sektor, ay kinabibilangan ng mga Olympic athletes, opisyal, at sports leaders. Sa panahon ng flight, nasiyahan ang mga atleta sa mga business-class na pagkain at komplimentaryong inflight Wi-Fi. Binigyan din sila ng mga produktong Tanduay Rhum.
Ipinahayag ni PAL Holdings Inc. President at Chief Operating Officer Lucio C. Tan III ang kanyang pagmamalaki sa mga atleta, sa pagsasabing, “It is a great honor to carry home the heroes of the nation-our Filipino champions who represented their countrymen with pride and distinction on the global stage of the Olympics. (JOJO SADIWA)