Advertisers
NAGTATAKA si House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin kung paanong pinayagan ng dating administrasyon ni former president Rodrigo Duterte na makapasok sa Pilipinas ang Chinese criminal sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) – na mahigpit na ipinagbabawal mismo sa China.
Naniniwala si Garin na makatutulong ang tumakas na si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na masagot ang tanong kung bakit pinayagan mamayagpag ang POGO sa Pilipinas gayong “bawal na bawal” ang sugal sa Beijing.
“Bawal na bawal siya doon, lahat ng involved sa POGO hinuhuli. Tinatanggalan ng citizenship, ina-outcast ng China … I think Alice Guo can also shed light on the group or the people who used her and paved the way for putting in the Philippines illegal operations like this, na nag-mushroom na nga sa maraming bagay. Napunta na sa loan scam, napunta na sa love scam, napunta na doon sa mga kidnapping and many others,” paliwanag ni Garin sa press briefing.
“When I saw the facilities of POGO… alam na alam ng buong mundo na banned at mortal sin at talagang kinukulong, at ‘yung iba nga, eh talagang pina-firing squad sa China ang mga involved sa POGO. So, why was this allowed in our country? Bakit ni-ligitimize dito sa Pilipinas?, pagtataka ni Garin.