Advertisers

Advertisers

QC gov’t humakot na naman ng 5 parangal

0 10

Advertisers

Wala na yata makatatalo sa pamahalaang Lungsod ng Quezon pagdating sa pagpaparangal. Mukhang kahit na anong gawing pagtatambling – tambling ng mga hurado, ang lungsod pa rin ang itinuturong nararapat o maging numero uno o magkakaroon ng maraming tatanggapin na parangal.

Ano kaya ang meron ang Kyusi na wala sa ibang local government units (LGUs)? Ano kaya ang sikreto ng pamahalaang lungsod at panay ang hakot nito ng parangal? Hindi kasi pumapalya ang lungsod — taonang kinikilala ang Kyusi.

Sikreto? Walang itinatago ang QC o walang sikreto para kikilalanin ito at sa halip, lantaran nga ang pamunuan ng pamahalaang lungsod kung ito ay maglingkod o magsilbi sa konstituwent nito lamang, sa kabila ng lahat ay hindi lang kayang pantayan ng ibang LGUs ang trabaho ng mga bumubuo ng pamahalaang Lungsod ng Quezon.



Pero gusto niyo ba malaman ang sikreto o kung ano ang mayroon ang lungsod kaya parati na lamang ito pinararangalan? Simple lang ang sikreto ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. Ano nga!? Teka huwag magalit…wait and wait.

Heto na po ang mayroon ang QC na marahil wala sa iba o kung mayroon man ay kulang na kulang…hindi umaabot ang serbisyo sa mamamayan. Ano nga?!



Yes, ang nakikita natin na mayroon sa Kyusi ay ang good governnance na ipinatutupad o nararamdaman ng milyong QCitizens. Aba’y marahil ang sasabihin ng ibang LGUs ay mayroon naman silang GG. Tama kayo, pero dama ba ito ng mga konstituwent niyo.

Bukod sa dama ba ng konstituwent niyo ang isa pang sikreto ng good governance – ang pagkakaroon ng magaling na lider o alkalde ng lungsod? Ang pagpaptupad sa lahat ng programa ng pamahalang lungsod para sa bawat residente. Baka naman kasi hanggang plano lang ang programa ng ibang LGUs kaya, parati silang talo sa QC.



Iyan ang mayroon ang QC government – ang good governance. Kailangan ko pa bang iesplika sa inyo kung ano ang ibig sabihin ng good governance? E ang good leadership na mayroon si Mayor Joy, kailangan pa rin bang i-memorized iyan samantalang, lantaran naman ang paglilingkod ni Mayor Joy at walang itinatago.

Kaya heto, kinilala na naman ang Quezon City Government – hindi lang isang parangal kung hindi lima…kasama na ang Overall Most Competitive Local Government Unit – Highly Urbanized Category.

Ginawaran kamakailan ang QC government sa ginanap na Creative Cities and Municipalities Congress 2024 na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI).

Heto lang naman iyong mga parangal – nakakuha ng matataas na puntos ang QC LGU sa mga kategoriya na Overall Most Competitive Local Government Unit, Most Competitive: Infrastructure, Special Award mula sa Intellectual Property Office of the Phi­lippines dahil sa may pinaka maraming bilang ng intellectual property filings.

Wait there’s more – lkalawa at ikatlo naman ang Quezon City bilang Most Competitive: Innovation at Most Competitive: Resiliency award ca­tegories.

Ang pagkilala ay mula sa Cities and Municipalities Competitiveness Index 2024 awarding ce­remony na ginanap sa Manila Hotel.

“Ang mga pagkilalang ito ay pagpapatibay sa magandang trabaho ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng lahat ng QCitizens,” sabi ni QC Mayor Joy Belmonte na dumalo sa parangal kasama si Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia at City Planning and Development Department OIC Jose Gomez Jr.

“Alay natin ang mga award na ito sa ating mga katuwang sa paglilingkod sa pamahalaang lungsod at sa mga QCitizen na walang patid na nagtitiwala sa kakayahan ng siyudad na magsilbi,” pahayag pa ng Alkalde.

Binigyang diin ni Belmonte na ang mga parangal ay magsisilbing inspirasyon na maiangat pa ang buhay at mapahusay ang pagkakaloob ng serbisyo sa mga QCitizens.

Tulad ng naunang nabanggit, tila wala nang makatatalo sa kakayahan ng QC government sapagat ito na ang ika-apat na sunod na taon na ang QC ay nakasungkit sa Overall Most Competitive Local Government Unit mula nang maging Hall of Famer noong 2019.

Congratulations sa inyo Mayor Joy sampu ng inyong mga opisyal, kawani at iba pa na bumubuo sa QC LGU. Heto pa ang mga sikreto ng lokal na pamahalaan, kooperasyon ng lahat ng departamento sa pagpapatad ng mga programa ng lungsod bukod sa hindi iniisip ni Mayor Joy ang kompetisyon at sa halip ay ..trabaho lang siya ng trabaho ..at magbigay serbisyo sa QCitizens.