Advertisers

Advertisers

Top 7 most wanted nalambat sa Caloocan

0 25

Advertisers

Kulong ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon na lumutang sa Brgy. 179 ang akusado na nasa top 7 most wanted person ng lungsod.

Agad inatasan ni Col. Doles ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para madakip ang akusado.



Kasama ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at Police Sub-Station 15, ikinasa ng WSS ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado12:10 ng gabi sa Catmon St., Brgy., 179.

Dinakip ang 23-anyos na akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G Vallega ng RTC Branch 130, Caloocan City noong July 3, 2024, para sa kasong statutory rape.



Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">