Advertisers

Advertisers

3 INTSIK NA ‘KAWATAN’, TIKLO SA MGA PARAK

0 47

Advertisers

TATLONG Chinese national na sangkot umano sa kasong robbery with physical injury ang inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police Station matapos na ireklamo ng isa nilang kababayang intsik sa isang residential building ng Barangay 5, Pasay City.

Nag-ugat ang pag aresto sa mga suspect nang magreklamo ang biktimang alyas Chenghuan, lalaki,25, at isa ring chinese.

Ang biktima ay agad na humingi ng tulong sa security personnel dahilan upang madakip ng mga awtoridad ang tatlong suspek na sina alyas Shipeng, (32), alyas You Liang (36), at alyas Hai Tao (29), na pansamantalang naninirahan sa Metro Manila.



Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nagtungo ang mga suspek sa kinaroroonan ng biktima kung saan ay puwersahan nilang kinuha ang ?310,000.00 ng huli sa pamamagitan ng online transactions gamit ang Alipay, WeChat Pay, at USTD.

Nagbanta pa umano ang mga suspek habang sinasaktan ang kanilang kababayan.



Nagawa ng biktima na humingi ng tulong, sa mga security personnel na makipag-ugnayan sa pulisya.

Agad namang rumesponde ang mga opisyal ng Sub-station 1 ng Pasay City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakarekober ng dalawang nakatuping kutsilyo at mga cell phone na ginagamit ng mga ito sa iligal na transaksyon.



Ang tatlong suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Pasay City Police Station kung saan ay inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa laban sa kanila. (JOJO SADIWA)