Advertisers

Advertisers

Golden Spikers kinaldag ang Knights

0 28

Advertisers

KINALDAG ng University of Santo Tomas ang Colegio de San Juan de Letran, 25-23, 25-12, 20-25, 25-18, para sa kanilang ikatlong sunod-sunod na tagumpay sa 2024 V-League Men’s Collegiate Challenge sa Paco Arena sa Manila Miyerkules.

Limang Golden Spikers ang nagtala ng double figures na pinamunuan ng 6-foot-5 rookie spiker Al-Bukharie Sali at middle blocker Trevor Valera na nag-ambag ng tig-14 points.

Popoy Colinares nagdeliver ng 13 points,habang si Gboy de vega at JJ Macam nagdagdag ng 11 at 10, points ayon sa pagkakasunod.



Layunin ng UST na pagbutihin ang kanilang performance sa Linggo kapag nakaharap ang Emilio Aguinaldo College alas 12 ng tanghali.

Vince Himzon, ang 2023 Spikers’ Turf Invitationals Most Valuable Player, umiskor ng 16 points built on 15 attacks para sa Knights.



Steven Sta. Maria at Bem Bautista bumakas ng tig-seven points.

Hangad ng Letran na makabawi sa Linggo kapag nakasagupa ang Far Eastern University alas 2 ng hapon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">