Advertisers
Ni Jovi Lloza
MARAMING nanghinayang na viewers nang malusaw ang P50k na mapapanalunan ng babaeng contestant ng programa ni Kuya Willie na Will to Win.
Mapalad na nabunot ang namesung ng babaeng contestant kung saan nabunot ang kanyang letter.
Habang iniistorya ni Willie nang live sa kanyang show, tinawagan pa nga ni Kuya Will ang contestant na maglalaro na masungkit at mapasakanya ang P50k sana.
Pero na-badtrip si Kuya Will na habang kausap ang contestant ay ibang programa pala ang pinapanood nito na kasabayan ng Will to Win.
Kaya ang P50k na posibleng mapasakanya sana ay nalusaw dahil binabaan siya ng telepono ni Kuya Will.
Marami ang pumabor at tama lang daw ‘yun sa ginawang pagbaba ni Kuya Will ng telepono na kausap ang contestant.
***
Gerald Santos pinangalanan ang nangmolestiya, marami
ang nag-chat
SA muli ngang pagsalang ni Gerald Santos sa pagdinig sa Senado ay wala na itong takot sa taong nagmolestiya at sinamantala ang kanyang kainosentahan.
Para ngang teleserye na inabangan ang rebelasyon ni Gerald kung sino ba ang taong nanghalay sa kanya nung kinse anyos lang.
Isang musical director ang binanggit nito na name sa pagdinig ang inaakusahan nito at binanggit na nang-abuso sa kanya ay si Danny Tan.
Para raw nabunutan ng tinik si Gerald nang isiwalat nito ang pangalan ng taong naglaspangan sa kanyang kamusmusan.
Kaya abangers ang lahat na matapos magsiwalat ni Gerald, humarap at lumantad din ang ibang naabuso.
Well, well, well…’Yun na!