Advertisers

Advertisers

Sa grabeng kasamaan… McCoy hiling ng netizens alisin na sa Batang Quiapo

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

NASA Seoul ngayon ang Nation’s Girl Group para mag-perform at tumanggap ng award bilang Voices of Asia at the Billboard K Power 100.

Excited ang walong members ng BINI – Mikha, Stacey, Maloi, Sheena, Jhoanna, Colet, Gwen at Aiah hindi lang para tumanggap ng award mula sa Billboard Korea kundi para na rin ma-meet nila at mapanood ang mga South Korea’s biggest pop stars.



“Fangirling nang malala,” ani Gwen.

“We are happy and excited kasi we are one of those na magrerepresent ng PPop and then not just PPop but the Philippines as well. Excited na kami,” sey naman ni Jho.



Si Colet ay um-agree, “Kinikilig po, yun po yung pinag-uusapan namin kanina.”

Dapat nga raw ang kakantahin ng BINI girls ay Cherry on Top, but Blooms have been rallying online na ang kantahin nila ay Pantropiko.



Hindi naman in-assure ng grupo kung ano ang kanilang ipe-perform, dahil ayon kay Gwen, “Pinaghandaan namin ito, and it’s meant to be a surprise.”

***

AHRON NA-TRIGGER KAYA NAGSALITA
NASASABIT ang pangalan ni direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena sa kanyang Instagram na biktima rin umano siya ng harassment

Direkta kasing pinangalanan ni Darryl Yap ang direktor gayung hindi naman nag-name dropping ang aktor.

Ayon kay Ahron na-harass siya ng isang direktor noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Nakasama raw kasi siya sa isang proyekto na ginagawa ng direktor.

Walang binanggit na pangalan ang aktor sa kanyang post.

Ni-reshare ni Yap ang post, pero sinama niya ang name ni Lamangan, ang tinutukoy umano sa nasabing post. Matagal nang may hidwaan ang dalawang direktor dahil sa kanilang magkatunggaling pananaw sa pulitika at pelikula.

Katunayan, gusto raw itag ni Yap si

Direk Joel sa post ni Ahron, pero naunfriend na raw siya ng direktor since 2022, kaya’t hindi na niya ito matatag sa kanyang post.

Mukhang hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang direktor hanggang ngayon.

Ayon kay Ahron, na-trigger siyang ibahagi ang kanyang karanasan dahil sa mga pahayag ng isang direktor sa isang panayam.

Nagsalita umano ito tungkol sa mga karaniwang insidente ng mga artista na nagpapalakas ng kanilang career sa pamamagitan ng pakikisama sa mga gay na may kapangyarihan sa industriya.

***

MCCOY PINATATANGGAL NA NG MANONOOD SA BQ
IBINAHAGI ni Yukii Takahashi, ang final moments niya sa FPJ’s Batang Quiapo bilang si Camille.

Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ng manonood ang trahedyang inabot ni Yukii sa kamay ni McCoy de Leon bilang si David.

Na-shock ang viewers sa heartbreaking fate ni Yukii sa kanyang tragic ending.

Binugbog na ni David, di pa nakuntento, pinatay pa niya.

Gayung mula sa umpisa ay nabuntis na siya ni David, pero dahil binugbog ay namatay ang baby sa kanyang sinapupunan at para walang makaalam sa sekreto ni David pinatay na rin niya si Camille.

Alam nyo bang si McCoy ngayon ang kinikilalang nation’s most hated villain dahil sa role niya sa BQ?

Sa Instagram ni Yukii ay nag-share siya ng behind-the-scenes snaps kung saan siya ay nasa hospital.

Aniya sa caption, “Die beautiful.”

Biro nga kay Yukii

‘forever’ pregnancy.

“Grateful to have worked with a co-actor as talented as you @mccoydeleon”

Ayon naman kay McCoy, “ikaw yan pinaghirapan mo yan… Congrats! Galing mo!”