Advertisers

Advertisers

Sa isyung may anak na kay Aljur… “Ano yun, taun-taon ako buntis?!” — AJ

0 12

Advertisers

Ni Rommel Placente

HINDI mamatay-matay ang isyu tungkol sa sekswalidad ni Stell Alejo, na member ng SB19.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, napag-usapan nga ang isyung ito at matapang itong sinagot ni AJ.



Ayon sa binata, wala siyang nakikitang problema sakali mang bakla siya. Hindi raw ito isang uri ng insulto para sa kanya na palagi ngang ibinabato sa kanila.

“Hindi ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yong ganu’ng klaseng bagay?



“Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na if ever man isipin nilang ganu’n. Kasi if ever man ganu’n ako, what’s the problem?

“So, if ever man na ganu’n ako, ano’ng problema? So, may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin?



“Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi,” dire-diretsong paliwanag ni Stell.

In-address din ni Stell, ang ginagawang pagsi-ship sa kanila ng ilang fans na inaakala ng iba na totohanan na at nalalagyan na ng malisya.

“Katulad nga po no’ng mga gano’ng issue, na mahilig ‘yong mga fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan ‘yon.

“Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang ganu’n ‘yong tingin ng tao, eh sa amin parang normal naman ‘yun bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala ‘yung iniisip nila,” paliwanag pa ni Stell.

Pakiusap ni Stell, sana raw ay tigilan na ang mga kanegahan dahil ang gusto lamang nila ay maging masaya ang lahat at ma-enjoy ang kanilang mga ginagawa para sa lahat ng fans.

“Wala naman kaming problema sa mga ganoong klaseng issue kasi willing naman po kaming sagutin lahat,” sey pa ni Stell.

***

SA panayam kay AJ Raval ni Julius Babao para sa YouTube channel nito na Unplugged, dininay niya na may anak na sila ni Aljur Abrenica.

Kamakailan kasi ay may naglabasang mga litrato ang magkarelasyon na may kasamang bata na kuha mula sa isang event na pinuntahan nila.

Ang paniwala ng ilang netizens, baka raw ito ang anak nina AJ at Aljur na balitang ipinanganak noong kasagsagan ng pandemya.

Pero ayon nga kay AJ ay wala itong katotohanan.

“First of all, hindi po ako taun-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis.

“Siguro po kung mabubuntis man ako ngayon, magalit man yung maraming tao, ako pa rin po yung pinakamasayang tao sa buong mundo,” pahayag pa ni AJ.

Sey naman ng sexy actress sa mga naglabasang chika sa kanya noon at sa natanggap na pamba-bash ng mga netizens, dinedma na lang niya ang mga ito at nag-focus sa mga positibong bagay.

“Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi nu’ng nawala ako, ang saya-saya ko.

“Imagine, kahit paano, naka-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko yung mga tao sa programa na yun. May mga na-inspire ako, bakit ako magpo-pokus sa ganoong bagay, di ba?

“Actually, hindi ko na siya napansin masyado. Parang nasanay na ako sa mga isyu-isyu, saka yearly ako buntis, everyday (may tsismis),”aniya pa.