Advertisers

Advertisers

Sa kanya raw nakatira ang anak… Jeric todo-deny na live-in na sina AJ at Aljur

0 16

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

HINDI raw anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang batang babae na kasama ng dalawa sa isang nag-viral na litrato sa social media kamakailan.

Mismong ang ama ni AJ na si Jeric Raval ang naglinaw tungkol dito.



Apo ni Jeric ang bata, anak ito ng isa sa 18 anak niyang si Ace Raval.

“Alam niyo, ang dami kong apo, thirteen, magpu-fourteen na apo ko.



“So, yung mga apo ko, sabay-sabay yan, maliliit na batang maliit.

“Mga one of my apos siguro ang kasama.”



“Apo ko doon sa anak ko, si Ace, yung rapper,” saad ni Jeric sa premiere night ng ‘Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)’.

Itinanggi rin ni jeric ang tsikang nagli-live in na sina AJ at Aljur.

“No, hindi. Si AJ, sa akin nakatira.”

Samantala, ang ‘Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)’.

Tungkol ito kay Marcos Mamay na mayor ng Nunungan, Lanao del Norte.

Mula sa Mamay Production, bida sa movie si Jeric bilang Marcos Mamay, with Teejay Marquez (as the teen Marcos Mamay), Ara Mina, Victor Neri, Polo Ravales, Julio Diaz, Devon Seron, Ron Angeles, Ali Forbes, Jethro Ramirez, Sheila Delgado, written and directed by Neal “Buboy” Tan.