Advertisers
GINAPI nina Kaichi Uchida at Takeru Yuzuki ng Japan ang pares nina Filipino Francis Casey Alcantara at Thai Pruchaya Isaro, 6-1, 7-5, sa men’s doubles final ng Zhangjiagang International Challenger sa China.
Tinalo nina Alcantara at Isaro sina Hsiou Hsu ng Chinese Taipei at Fajing Sun ng China, 6-4, 6-3, sa Final Four.
Samantala, nagtala ng panalo sina Uchida and Yuzuki, 7-6 (9) , 6-3, wagi kontra Mikalai Haliak ng Belarus at Lukas Pokorny ng Slovak Republic.
“Our opponents played better and they deserved the win,” Wika ng 32-year-old Alcantara sa panayam Linggo..
“But overall, I am still very happy in reaching my seventh ATP Challenger final,” dagdag ng veteran of the Davis Cup, Southeast Asian Games at Asian Games.
Ang susunod na tournament ni Alcantara ay ang Road to the Rolex Shanghai Masters simula Lunes.
“It’s a tough field. I hope we can play well,” Wika ni Alcantara.
Nakarating rin sa semifinals sina Alcantara at Isaro sa Bengaluru Challenger sa India at ang Nonthaburi Challenger 1 sa Thailand.
Pagkatapos sa Shanghai, Sasali si Alcantara sa Guangzhou Huangpu International Open sa Sept. 9 to 15.
Nakapasok siya sa Jinan Challenger semifinal kasama si Fajing Sun nakaraang Linggo, pero nabigo sila kontra Korean Yun Seong Chung at Japanese Yuta Shimizu, 6-7 (4), 4-6.
Ang pride ng Cagayan de Oro City ay nagwagi ng tatlong titulo ngayong taon — isa sa Indonesian Christopher Rungkat sa Chennai, India, at dalawa sa Thai Maximus Jones sa Nakhon Si Thammarat, Thailand.