Advertisers

Advertisers

Bira Aira!

0 12

Advertisers

“Sigurado ako tinanaam ko siya kaya tumunba pero ayon sa ref ay slip lang.”

Yan deklarasyom ni Aira Villegas sa atin nang maging espesyal na bisita natin siya sa OKS@DWBL noong isang Lunes.

Diniin ni Aira sa programa ang “no knockdown ruling” ng reperi sa 2nd round bout niya kontra kay Buse Nas Cakiroglu ng Turkey.



Yan din nakita ni Marcus Manalo, ABAP Secretary General, na nasa ringside ng match na yan sa 2024 Paris Olympics.

Sayang kung nanalo si Villegas sa Turkish boxer ay tiyak na siya sa silver at posible pang naging ginto.



Nguni’t talagang ganyan ang boxing. Eka nga ay better luck next time para sa ating medalist na tubong Tacloban, Leste.

Hindi gaano nakapanood sa ibang kababayan at sport kahit libre sa mga atleta ang 29 años na boksingera dahil naka-focus siya sa apat niyang naging laban doon.



Nangako siya na ipagpapatuloy ang career at pipiliting makapasok sa 2024 Los Angeles Summer Games.

Para naman kina Marcus ay sisikapin nilang mag-improve ang scoring ng mga judges sa mga fight. Pwede raw maglagay ng chips sa mga gloves na bibilang ng mga kukunetang suntok. Yan ang binitiwan niyang salita aring palatuntunan kung saan Biofresh ang main sponsor.

Maari ngang gamitin ang modernong teknolohiya upang mas maging makakatotohanan ang resulta.

***

Ngayon nasa Philippine Volleyball League ang Akari, bukas pwedeng nasa PBA na rin sila

Umugong ang balita ng posibilidad dahil hirap na ang dalawang “farm team” sa liga.

Lumalawig na kasi ang involvement ng tagagawa ng mga ilaw sa mundo ng sports.

Bukod nga sa volleyball ay sila pangunahing tagapagtaguyod ng itatayong UAAP Arena sa Bridgetown sa Pasig.City.

Mas maraming pribadong kumpanya na sumusuporta sa mga iba’t ibang sport mas maigi. Sana lang pati mga hindi sikat na laro may tulong din.

***

Patuloy ang pagbaha sa maraming lugar kahapon habang binabayo tayo ng bagyong si Enteng.

Gayon din ang dating ng papremyo kay Carlos Yulo. Ang pinakahuli ay P5M na handog ng Arena Plus sa ating double gold medalist.

Sa huling bilang ay nasa P100M na ang cash na natanggap ng 24 años na gymnastics na kampeon. Hindi pa diyan kabilang ang condo, house and lot at iba pang in kind na regalo sa kanya.

Sana lang may mahusay na siyang financial adviser sa dami ng kanyang mga gantimpala.