Advertisers

Advertisers

Puganteng ex-mayor ng Iloilo City sumuko sa NBI

0 11

Advertisers

SUMUKO sa mga awtoridad ang dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Mabilog kaugnay sa graft charges na inihain laban sa kanya noong termino ni ex-President Rody Duterte, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI).



Ayon sa ulat ng post-operation ng NBI, nakarating si Mabilog sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Martes, at sumuko sa NBI-National Capital Region at International Airport Investigation Division Operatives.

Sinabi ng NBI na nagbigay na si Mabilog ng isang “surrender feeler” noong Lunes, “na nagpapahiwatig ng kanyang hangarin na kusang sumuko sa mga awtoridad at harapin ang criminal charges na isinampa laban sa kanya.

Sinabi ng NBI, na ayon sa akusado, una na siyang humiling ng ‘Political Asylum’ mula sa gobyerno ng Amerika at ito aniya ay napagbig-yan.

Ang Lapu-Lapu City Regional Trial Court Branch 73 at Sandiganbayan Third Division ay naglabas ng warrant of arrest laban kay Mabilog para sa paglabag sa “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” at ang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.

Nagsampa ang Office of the Ombudsman ng graft charges laban kay Mabilog at konsehal na si Plaridel Nava II bago ang Sandiganbayan noong 2023 dahil sa umano’y interbensyon sa paggawad ng isang kontrata ng gobyerno sa isang towing service firm kungsaan mayroon silang interes.

Batay sa criminal information na isinampa ng mga tagausig ng gobyerno, sina Mabilog at Nava ay pumasok sa isang memorandum ng kasunduan sa 3L towing services na nagpapahintulot sa huli na mag-clamp at/o mag-tow na ilegal na naka-park na mga sasakyan sa lungsod ng walang mga mapagkumpitensyang proseso tulad ng ibinigay sa ilalim ng Republic Act 6957.

Si Mabilog ay kasaluku-yang nasa kostudiya ng NBI-NCR sa Ermita, Maynila.(Jocelyn Domenden)