Advertisers

Advertisers

Arjo dinenay na inang si Sylvia tatakbo sa eleksyon; 2 miyembro ng SB19 inaming nagparetoke

0 29

Advertisers

Ni Rommel Placente

ISA na namang international award ang natanggap ni Arjo Atayde.

Siya ang tinanghal na Best Male Lead in a TV Program/Series sa ContentAsia Awards para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng Cattleya Killer.



Ang Cattleya Killer ay isang Filipino crime-thriller series mula sa ABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video nuong June 1, 2023. Sa direksyon ni Dan Villegas at panulat ni Dodo Dayao,

Umiikot ito sa murder investigation na kunektado sa lumang kasong sangkot ang isang notorious serial killer. Pinagsasama ng show ang suspense, mystery, at psychological drama, habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang kuneksyon nila sa mga pagpatay.



Sa awards ceremony sa Taipei, sinabi ni Arjo ang kanyang heartfelt gratitude sa lahat ng tumulong upang makamit niya ang victory na ito. “Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series.”

Patuloy na pinasalamatan ni Arjo ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawa na si Maine Mendoza. “It’s my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here. gushed.



“Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that we have to pull through to be able to do this.”

Pinasalamatan din niya ang ABS-CBN sa suporta nito. “To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course, to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming, maraming salamat po,” aniya pa.

Samantala, mariing pinabulaanan ni Arjo na ang tatakbo sa 2025 midterm elections ay ang kanyang inang si Sylvia Sanchez dahil daw magko-concentrate na muna siya sa pag-aartista.

“It’s not true that my mom is running for the Congress sa (2025),” ang ipinagdiinan ng premyadong aktor at public servant.

Ipagpapatuloy pa rin daw niya ang kanyang termino next year kung papalarin muli sa darating na eleksyon. Aniya pa, napakarami pa niyang hindi nagagawa para sa 1st District ng Quezon City.

***

SA guesting sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, ng dalawang member ng SB19 na sina Stelli at Pablo, diretsahang tinanong sila ni Kuya Boy kung dumaan sila sa enhancement.

Marami kasi ang nakapansin na nag-iba ang hitsura ng dalawa

“Yeah,” tugon nina Stell at Pablo.

“Even my friends po when they ask me, ‘Uy nagpa-surgical enhancement ka ba talaga?’ Sabi ko, ‘Oo naman,'” dagdag ni Stell.

“Hindi ba obvious?” dugtong ni Stell. “Lahat sinasagot ko, ‘Kapag sinabi ko bang ‘no,’ maniniwala ka? ‘Di ba hindi ka rin naman maniniwala?'”

Sa kabila nito, naniniwala sina Stell at Pablo na walang mali rito.

“So sinasabi ko po. I think wala namang mali. Kasi I’m sure kapag tinanong ko ‘yung friend ko, sasabihin niya, ‘Ay kapag may pera ako, magpapagawa rin ako niyan.’ Ganu’n na po ngayon eh,” sabi pa ni Stell.

Si Pablo, hindi raw inakala noong una na sasailalim din siya rito.

“Alam niyo po what’s weird? Sabi ko po sa kanila, ‘di ba napag-usapan natin (Stell) ‘yan noong hindi pa tayo kilala, ‘Magpapaganu’n ka ba ever?’ Tapos ang sagot ko po, hindi pumasok sa isipan ko.’ Pero hindi ko na lang namalayan, one day nagpapa-pillar na ako rito (turo sa banda niyang noo).”

“Nakaka-boost pala talaga siya ng confidence,” dagdag ni Pablo.