Advertisers
Ni Beth Gelena
PINABINYAGAN na nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang kanilang anak na si Baby Maria, kamakailan.
Star-studded ang binyag na pinangunahan nina Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.
Very proud ang celebrity mom and dad dahil ang daming sumuporta bilang Kristiyano kay Maria.
Si Dra. Aivee Teo ay isa sa nagbahagi ng mga kuhang larawan ni Baby Maria sa kanyang social media account.
Kasabay ng binyag ay birthday din ni Rambo.
May heartfelt post si Maja para sa mister.
***
UNA palang in-offer ang Feng Shui movie kay Judy Ann Santos na pinalabas noong 2004.
Pero, hindi raw kasi tinanggap ng kanyang late manager noon na si Tito Alfie Lorenzo (RIP).
Kay Kris Aquino napunta ang horror film which was a click at tinaguriang Horror Queen ang Queen of All Media kung saan ang direkror ng Feng Shui ay si Chito Rono.
This time, muling gagawa ng horror movie si Juday, ang Espantaho, at excited na ang aktres.
Ang last horror film na ginawa ng Teleserye Queen actress ay T’yanak nung 2014, the reboot of 1988 classic Tiyanak.
Nang i-offer daw sa kanya ni direk Chito ang movie ay agad siyang um-oo kahit hindi pa niya alam kung sino ang makakasama sa casting.
“Yung wala pang ano, walang, hindi… wala pang casting, wala pang lahat, sabi niya, ‘Okay ka?’ ‘Oo naman! Ikaw pa ba? Ituloy na natin ito.’ Kasi nga, hindi kami natuloy sa Feng Shui,” pakli ni Juday sa isang panayam.
***
BINULGAR ni Carla Abellana ang dahilan sa pagkaka-confine niya sa ospital, kamakailan.
Sa interview ng GMA News, ayon sa Kapuso aktres she almost suffered from sepsis.
Ang sepsis ay isang life-threatening condition where the body responds improperly to an infection.
Aniya, three days siyang na-hospital.
“Dun ko nalaman na may complications na pala; kidney stones, UTI, muntik na ako mag-sepsis. So na-confine ako for three days hanggang sa nag-beg na akong umuwi kasi na-miss ko ‘yung mga aso ko. Tsaka kailangan ko nang bumalik ng trabaho,” ayon kay Carla.
“Thankfully pinayagan naman akong umuwi,” dagdag niya.
Sa ngayon ay maayos na siya batay na rin sa resulta ng mga laboratory test sa kanya.
“Wala na ‘yung infection, OK na, clear na ‘yung lab tests, x-ray, everything, so ‘yung ano na lang talaga, ubo,” dagdag niya.