Advertisers

Advertisers

Ken Chan nabuhay na ulit sa socmed, walang pinagtataguan na utang

0 76

Advertisers

Ni Jovi Lloza

HALOS limang buwan din ang pagkakawala ni Ken Chan sa socmed world dahil sa haka haka na may tinataguan ito dahil sa utang.

Dahil sa pagkakalugi ng 7 business na itinayo ay di pa kumpirmado kung ito lahat ay nagsara



At dahil sa diumano na pagsasampa mg kaso ng business partner ay bigla na lang itong naglaho sa serye sa hapon na AKNP.

Sa tsika naman ng vlogger at talent manager na si Papa Ogie Diaz sa kanyang YTC na ayon sa kanyang source ay lumabas ito ng bansa dahil may pinagtataguan dumano na utang.



After 5 months na walang post sa socmed account nito ay bigla na lang ito nag post.

As in, nagparamdam na si Ken sa kanyang socmed na post pa ito na bear with troll pushers habang may ice cream sa gitna.



May caption pa ang actor sa kanyang socmed na “imaginary friends.”

Patunay lang na wala itong pinagtataguan na kung sinuman sa kanya umano na pinagkakautangan.

***

Cara Donor, Mary Jeff Diaz, John Yebra at Martin Moraga dream makasama sa project ang mga idol na sina Anne, Daniel at Coco

MULA sa JPB ay nasala ang mga new aspiring talented kids sa kuwadra ng JPB talents.

Thankful ang apat na bagets sa pagbubukas sa kanila ng pintuan ng showbizworld.

Pasalamat in a sense na regular silang napapanood tru online sa You Tube Bulilit at Obra the drama anthology.

Nakitaan ng husay at galing ang mga JPB talents na sina Carah Donor na bukod sa akting ay ipinagmalaki nito na mahusay siyang rumampa o fashion show. Kung si Mary Jeff Diaz aka Fame na bukod naman sa aktingan ay mahusay as batang vlogger. Di rin naman pakakabog si JohnWest or John Yebra dahil combination ng singing, acting at dancing naman ito.

At ang cute na si Martin Moraga na di pa man sumasalang sa aktingan ay nakitaan na may ibubuga kaya next in line na nga ito para maging kabahagi ng online show You Tube Bulilit at Obra.

Alam nyo ba na ang apat na bagets ay dream makasama ang kanilang idol sa project?

Kung si Carah ay type makaeksena si Anne Curtis, at si Fame at JohnWest ay parehong si Coco Martin ang dream na makaeksena.

Si Martin na pa-tweetums at peg ang guwapo niyang idol na si Daniel Padilla ang gusto nitong makatrabaho.
Well, well, well… ‘Yun na!