Advertisers

Advertisers

2,500 job vacancies sa ‘Kalinga sa Maynila'” at PESO job fair sa Sept. 25

0 19

Advertisers

MAGANDANG Balita sa lahat ng Manileño na naghahanap ng trabaho.

May kabuuang 2,500 bakanteng trabaho ang iaalok ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa September 25, 2024 (Miyerkules).

Nabatid na ang opurtunidad na trabaho ay iaalok sa “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang isa sa highlight ng weekly regular interaction forum na ginagawa ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa mga barangays.



Sinabi ni Lacuna na ang nasabing job fair ay bukas sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates at gaganapin dakong alas-8 ng umaga hanggang alas- 12 ng tanghali sa panulukan ng P. Paredes at Delos Reyes Streets, Sampaloc, Manila.

Napagalaman naman kay Public Employment Service Office – City of Manila chief Fernan Bermejo na ang nabanggit na job fair ay gagawin sa pakikipagtulungan Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE- NCR Manila Field Office.



Pinapayuhan ang lahat ng mga interesadong aplikante magsuot ng casual attire pag nagtungo sa job fair, magdala 10 kopya ng resume, sariling ballpen at sumunod sa umiiral na public health protocols.

Nagpahayag din ang lady mayor sa lahat ng mga applicants ng best of luck, at sinabing maraming beses na ang mga applicants at agad na hired on the spot (HOTS) at masayang umuuwi dahil may hanapbuhay na sila. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">