Advertisers

Advertisers

25 trak ng basura nahakot sa Manila Bay

0 12

Advertisers

Aabot sa 295,600 kilo o 25 truck ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority kasunod ng isinagawang coastal cleanup sa Manila Bay.

Tulong-tulong ang iba’t- ibang tanggapan ng pamahalaan, volunteers at NGO sa paglilinis sa baybaying dagat kabilang na ang sa Parañaque, Pasay at Maynila.



Ang pag lilinis ay bahagi ng taunang international coastal cleanup drive na ginagawa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre base na rin sa Presidential Proclamation Number 470.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, ang pakikilahok sa coastal cleanup ay isang paraan para maipakita ang kagustuhan na mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">