Advertisers
Inaresto ang isang babaeng nagpakilalang Military Intelligence Officer Reservist ng Philippine Army sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang malusutan nito ang security personnel at nakapasok sa restricted area ng paliparan.
Kinilala ang suspek na si Sheena Mae Tag-at alyas Sheena Medina, 31, taga-Taguig City.
Sa ulat, isang linggong imbestigasyon at surveillance ang isinagawa para matukoy ang ilegal na aktibidades ng suspek bago ito naaresto.
Ayon kina Erlinda Bulawit at Joselito Garcia, Lockheed security guards sa NAIA Terminal 3, nagpakilalang appointed intelligence officer ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) si Tag-at, ang kompanya na pinamumunuan ni Chairman Ramon S. Ang. At in-appoint din umano ito ni Cecille Ang, anak ni Ramon Ang.
Dahil sa mga kinikilos at suot na military uniform ni Tag-at naniwala ang mga security guard, na ineskortan pa sa mga restricted areas.
Makalipas ang isang linggo, napaulat na nag-iisyu ng orders si Tag-at sa mga supervisors and security personnel, subali’t nagkaroon ng hinala ang mga Lockheed personnel dahil sa mga `inconsistencies’ na report at mga alegasyon laban sa mga guwardiya.
Sa imbestigasyon, nadiskubre na asawa ni Tag-at si Joselito Garcia, isa sa mga security.