Advertisers
Nasawi ang isang content creator-vlogger nang barilin sa Barangay Palaming, San Carlos City, Pangasinan noong Miyerkules, Setyembre 25.
Kinilala ang biktima na si Goddard Gabriel Zacarias Manese, 30, ng Barangay Calomboyan.
Ayon sa ulat, nakasakay si Manese ng motorsiklo na minamaneho ng isang Sean Scallia Lomibao Aguilar nang dumating ang dalawang lalaki na sakay din ng isang motorsiklo.
Isa sa mga salarin ang bumaril sa biktima ng dalawang beses at tumakas patungong Barangay Mamarlao.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo.
Napag-alaman na nasa lugar umano si Manese para mag-vlog.