Advertisers

Advertisers

KAYAMANANG GARMA SA PATNUBAY NG EX-PRESIDENT?

0 2,461

Advertisers

Sa matapat na pagtalima sa mga sensitibong misyon ay saganang kayamanan nga ba ang naging gantimpala ni EX-COLONEL at EX-PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA mula sa pamamatnubay ng kaniyang ROMANTIC PARTNER na si EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE?

Sa ika-7th hearing ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay naladlad ang UNEXPLAINED WEALTH ni GARMA na base sa rebelasyon ng mga RESOURCE PERSON ay nakamit nito ang saganang kayamanan mula sa asiste ng umano’y lover nito na si EX-PRES. DUTERTE.

Si GARMA ay naging STA. ANA, DAVAO CITY POLICE CHIEF at naging CHIEF ng CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) noong MAYOR pa lang sa DAVAO CITY si DUTERTE.., at nang naging PRESIDENT OF THE PHILIPPINES si DUTERTE ay iniluklok si GARMA sa pagiging PCSO GENERAL MANAGER noong 2019.



Itong si GARMA ay inakusahang sangkot sa pagpapa-patay sa 3 CHINESE DRUG LORDS sa loob ng DAVAO PRISON AND PENAL COLONY.., at ang una ang RIGHT HAND WOMAN ni DUTERTE sa pagsasakatuparan ng BLOODY WAR ON DRUGS.

Sa mga pagdinig ng CQC ay inusisa ang iba’t ibang pag-aari o kayamanang taglay; pagwaldas sa PCSO FUNDS gayundin ang pagiging MASTERMIND nito sa pagbuo ng SAMAHAN NG TOTOONG LARONG MAY PUSO o ang STL PARTYLIST na ang ginawang 1st nominee ay si YVONNE BARANDOG na asawa ng closed friend ni GARMA na si CHUCK BARANDOG.



Noong PCSO GM si GARMA ay nagbigay ito ng donasyon sa STL FOUNDATION ng halagang P2milyon para panggamit umano sa mga CALAMITY ASSISTANCE.., at sa kaniyang panunungkulan noong 2019 hanggang 2022 ay ibinunyag ng CQC na ang PCSO ay nalugi o nawalan ng P90 bilyon.., ibig kayang sabihin nito ay ginamit ni GARMA ang STL PARTYLIST para maging lehitimo ang pambubulsa ng pondo? Naalala ko tuloy ang naging sentimiyento ng ilang mga opisyales ng LOTTO OUTLET ASSOCIATIONS na noong mga panahong iyon kapag madelay lang ng halos wala pang isang oras ang pagsusumite ng remittances ng LOTTO OUTLETS ay pinagmumulta na o pinuputol ang link samantalang ang STL na hindi nagsusumite ng remittances ay pinahihintulutan pa rin ang operasyon.

Sabagay, itong si GARMA ay nakatulong sa kaniyang mga kamag-anak at close friends na nabigyan ng raket o trabaho sa PCSO kasama na ang kaniyang anak na ginawang CONFIDENTIAL AGENT gayong wala naman itong kaalaman sa LAW ENFORCEMENT o sa CRIMINAL JUSTICE SYSTEM.



Ang mga kaanak ni GARMA na kaniyang naipasok bilang employees ng PCSO ay tulad ng kaniyang pinsan na sina MARIE SEJORALES at HOWARD MANSAN bilang NURSE at IT CONSULTANT; ang hipag na si DORIS GARMA na nalagay sa ADMINISTRATIVE DIVISION.., at ang nagsilbi niyang SECURITY PERSONNEL ay ang 1st COUSIN na si JUNJUN UBALES.., na ang mga itinalaga nito ay isang paglabag sa kapangyarihan ni GARMA bilang PCSO GM at hindi magawang tutulan o kuwestiyunin ng mga PCSO OFFICIALS dahil sa pangingilag na kontrahin ang kagustuhan ng EX-PRES. GIRL.

Isiniwalat naman ni CONG. DAN FERNANDEZ sa isinasagawang pagdinig ng CQC na si GARMA ay nag-aari ng mga maluluho at mamahaling ari-arian na inamin naman ito ng huli na kaniyang pinagsikapang mapalago.., at ito ay kinabibilangan ng mga mansiyon at mga bahay na maaaring tirahan ng mahigit 20-katao. Sa mga nagdaang CQC hearing ay ibinunyag ni EX-CEBU CITY MAYOR TOMMY OSMEÑA na si GARMA ay tumatanggap ng P1 milyon payola kada-linggo nang siya ay CIDG CHIEF sa DAVAO CITY kaya tutol ito na maging CEBU CITY POLICE CHIEF si GARMA pero hindi rin niya naharang dahil si DUTERTE ang nagluklok sa itinatangi nitong babae.

Ang isang POLICE OFFICIAL na naging PCSO GENERAL MANAGER ay walang kakayanang pinansiyal para magkaroon ito ng maraming ari-arian.., na mismong si GARMA ay umamin na siya ay sumusuweldo ng P300,000 kada-buwan bilang PCSO GENERAL MANAGER.., pero nagawa nitong maabot o marating ang hayahay na pamumuhay sa kabila ng kaniyang kinikita o sinusuweldo.

Mga ka-ARYA.., ang relasyong DUTERTE at GARMA ay isang mutual na kapuwa nagkakapakinabangan.., na ginamit ni DUTERTE si GARMA para sa DIRTY BIDDING at taga-implementa ng WAR ON DRUGS habang si GARMA naman ay ibinulsa ang GOVERNMENT FUNDS para sa pansarili nitong kapakinabangan.

Yun nga lang, ang impluwensiya ni DUTERTE ay hindi kasinglakas noong siya pa ang PRESIDENT OF THE PHILIPPINES.., e tila magiging COLLATERAL o FALL GIRL si GARMA sa mga inorkestrang katiwalian.., sasaluhin na lamang ba ni GARMA ang lahat ng kaparusahan alang-alang sa bulag niyang pagmamahal kay DUTERTE o mapipilitan din itong isiwalat at ituro ang MASTER of ALL MASTERMINDS para sa panibagong yugto ng kanilang kapalaran ay makasama niya si DUTERTE sa pagharap sa HATOL NG HUSTISYA!?!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.