MALAMANG na magtataka ang ating mga KASIKRETA kung paanong ang isang Bokbok” ay mistulang nagiging anay din sa pinagpipitagang kinatawan sa Kamara ng Unang Distrito ng lalawigan ng Batangas na si Hon. Joseph Eric Buhain.
Si Buhain ay nagwagi sa “balikatang laban” noong May 2022 Election pagkat nadamay ito, nahulaban sa magandang nagawa at liderato ng kanyang maybahay na undefeated 1st District Representative Aileen Ermita.
Si Aileen ay anak ni ex-Representative Eduardo R. Ermita na naging, Cabinet Secretary ni dating Pangulong Fidel B. Ramos. Si Ed (palayaw ni Ermita) ay Executive Secretary rin ni ex- President Gloria Macapagal Arroyo na siyang naging isa sa pinamabisang “agimat” ni Buhain kaya nakilala ito, nanalo sa halalan at naging bahagi ng 19th Congress of the Philippines.
Ang pagiging atleta ni Buhain ay hindi isang sapat na pasaporte,tulay o paraan upang makilala sa larangan ng politika sa Batangas. Unang-unang ay kailangang may naipunla, magandang proyektong nagawa, halimbawa o “good deeds”upang pag-ukulan ng pansin at tingalain sa lokal na politika ng lalawigang kung tawagin ay” bayan ng mga magigiting at duyan ng bayani”
Dahil nga sa pagpapaunlad ng Batangas 1st District ay kinikilala ang dati ring AFP Lieutenant General Ed Ermita na isa sa matibay na “haligi ng Batangas,” at bilang “paboritong manugang ng matikas na heneral, ay ito ang naging hagdan upang ang dati ay isa lamang Asian Game Swimming Champion at tubong Bacoor City, Cavite na si Buhain ay naabot ang kanyang pedestal sa larangan ng politika.
Sa totoo lang ay subaybay ng inyong lingkod ang takbo ng karera politikal ng isang Eric Buhain na kung ituring pa noong una ay “mistulang singaw” lamang sa masalimout na politika sa pagsulpot nito sa distritong kinabibilangan ng walong bayan sa Western Batangas, ito ay ang mga munisipalidad ng Taal, Lemery, Calaca, Calatagan, Balayan, Tuy, Lian at Nasugbu.
Kung kailan naman masasabing nasa rurok na ng kanyang political career si Buhain ay saka naman may indibidwal sa katauhan ng isang alyas Willy Bokbok ng Nasugbu ang ngayon ay sumisira sa kanyang magandang imahe, reputasyon at pagkatao.
Hindi isyu ang nababalitang pagiging “babaero” ni Buhain pagkat wala namang itong matibay na basehan, ngunit ang panggagamit nitong si alyas Willy Bokbok sa pangalan ng butihing kongresista sa pangingikil mula sa mga operator ng illegal vices at iba pang uri ng labag sa batas na kitaan ang dapat na matutukan ng pansin at masolusyunan ng kampo ni Buhain.
Maaring hindi pa alam ng second termer na kongresista na bukod sa pangingikil ay ginagamit din na panakot nitong si alyas Willy Bokbok sa mga pulis at iba pang awtoridad ang panmgalan ng kongresista upang luwagan ang operasyon ng pinatatakbo ni Bokbok na Small town lottery (STL) bookies o jueteng sa 42 barangay, bukod pa sa may sampung sakla den sa bayan ng Nasugbu, ilan sa mga saklaang ito ay nasa Poblacion, Natipuan, Wawa, Latag Bucana, Lumbang at iba pa.
Sa ating pagkakakilala kay Buhain ay hindi ito sasangkot sa ilegal na aktibidad sa kanyang distrito ngunit kailangan ipasiyasat din nito ang ala mini casino na pasugalan na nasa tabi lamang ng Lian Public sa bayan ni Mayor Joseph Piji, pati na ang pinatatakbong STL bookies operation ng magkakasosyong kung tagurian doon ay ang notoryus na “Triple J” pagkat gasgas na gasgas ang pangalan ni congressman bilang kasosyo ng mga naturang vice operator.
Kaya upang malinis ang pangalan at mawala ang duda sa kanya , suhestiyon natin sa second termer na Cong. Buhain ay atasan nito sina Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas, Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr., at mga police chief sa nasasakupan ng 1st District na supilin, lansaging lahat ang operasyon ng mga ilegal na pasugalan doon tulad ng inooperate din na STL bookies na gumagamit ng mga aliases na RICALDE sa bayan ng Lemery, JR BISCOCHO sa Calaca, JAP O HAPON sa Balayan at Tuy, “TRIPLE J” sa Lian, Allan sa Calatagan at Willy Bokbok sa Nasugbu na sangkaterba din ang sakla joints.
Ang mga naturang ilegalista din ang pinaniniwalaang sangkot sa bigong pagpupuslit ng pinakamalaking shabu haul ng PNP mula sa Brgy. Natipuan sa bayan din ni Nasugbu Mayor Jose Antonio Barcelon. Nasabat naman ito sa checkpoint sa bayan ng Alitagtag may ilang buwan pa lamang ang nakararaan. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144