Advertisers
NAGLABAS ng proklamasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lumilikha at nagtatalaga sa isang bahagi ng lupa sa Barangay Lourdes, lungsod ng Tarlac bilang Special Economic Zone (SEZ).
Ang Proclamation No. 701 ay inilabas alinsunod sa Republic Act (RA) No. 7916 o ang Special Economic Zone Act of 1995, batay na rin sa rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Ang bagong SEZ, na may kabuuang sukat na dalawang milyong metro kwadrado, ay tatawaging TARI Estate. (Gilbert Perdez)