Advertisers
MULING pinasisilip ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang listahan ng mga drug-infested barangay sa bansa at aasahan na sisimula ito sa susunod na linggo.
Layon nito na makita kung sino talaga ang tunay na mga distributors at ang tunay na gumagamit ng ilegal na droga.
Kaugnay nito, ayon sa kanya mas marami ang nakumpiskang ilegal na droga ngayon kumpara sa pinagsamang ulat noong 1992 hanggang 2022.
Ayon kay SILG Remulla, tumaas din ang presyo ngayon ng ilegal na droga dahil na rin sa interdiction efforts ng mga ahensya ng pamahalaan kagaya ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sinabing patuloy ang kanilang pagresolba sa problema sa droga nang hindi pumapatay.