Advertisers

Advertisers

Quad Comm naghain ng 2 panukalang batas vs EJK, POGO

0 10

Advertisers

NAGHAIN ng dalawang panukalang batas ang mga quad comm leaders bago magsimula ang pagdinig ng komite nitong Biyernes.

Inihain ng mga kongresista ang House Bill No. 10986 or the anti-extra judicial killing act na inakda nina senior deputy speaker Aurelio Gonzales, Deputy speaker Jayjay Suarez, Rep. Robert Ace Barbers at Bienvenido Abante, Dan Fernandez at Stephen Caraps Paduano.

Ang nasabing panukala ay bunsod sa finding at recommendations ng quad comm na nag-iimbestiga sa EJK in aid of legislation.



Sa ilalim ng panukalang batas ang EJK ay i-classify bilang heinous crimes at ang mga convicted ay mahaharap ng mabigat na kaparusahan.

Habang ang mga state agent na guilty sa EJK mahaharap sa habang buhay na pagkakabilanggo.

Nakasaad din sa batas na ang mga pamilya na biktima ng EJK at makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Ang panukalang Anti-offshore Gaming Operations Act na layong i-institutionalize ang total ban ng POGO sa bansa dahil sa pagkakaugnay nito sa ibat ibang criminal activities at banta rin sa national security.

Tinukoy ng mga mambabatas ang napaka- delikadong aktibidad na may kaugnayan sa POGO.



Tinukoy sa nasabing panukalang batas ang limitadong economic benefits ng POGO .

Ang mga lalabag sa nasabing batas ay papatawan ng mas mahigpit na penalties at makukulong ng apat hanggang 10 taon at may multa na 10 milyon.

Mga banyagang empleyado ng POGO ay mahaharap ng agarang deportation.

Batay sa direktiba ni PBBM dapat mapasara na ang mga POGO bago magtapos ang taon.