Advertisers

Advertisers

Tibo at dyowa huli sa online bugawan

0 29

Advertisers

ARESTADO ang 22-anyos na babae at kinakasama nitong tomboy nang ibugaw sa mga dayuhan sa online ang 6-anyos na anak na lalaki ng una sa Calamba City, Laguna

Hindi na nakapalag nang dakpin ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) 4A ang mga suspek sa bahay nila sa Barangay Pansol sa nasabing lungsod.

Nag-ugat ang operasyon mula sa referral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nadakip nilang 33-anyos na Australian mula sa New South Wales noong Setyembre 19, 2024.



Itinuro ng dayuhan ang nanay ng bata na ka-transaksyon niya para sa P1,000 hanggang P5,000 na malaswang materyales na ilalabas nito sa online.

Matapos makumpirma ang pambubugaw ng babae at 37-anyos na tomboy, magkakasanib na inihain ng ACG, Calamba City Police Station, DSWD at mga opisyal ng Barangay Pansol ang cyber warrant laban sa mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">