Advertisers

Advertisers

Kim at Paulo patago mag-holding hands

0 28

Advertisers

Ni Beth Gelena

TWO in a row si Kim Chiu bilang winner sa Magpasikat Ka ng It’s Showtime.

Last year ay ang Team niya with Jhong Hilario at Ion Perez ang nanalo sa Magpasikat Ka 2023 and this year Magpasikat Ka 2024 ay muli ang team ni Chinita Princess kasama sina Ogie Alcasid, MC at Lassy ang nagwagi kung saan ang concept nila ay TIGIL, HINGA, KALMA.



Ang team naman ni Anne Curtis, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz ang nakakuha ng 3rd place.

Ang concept nila ay CORE.

Second place ang Jhong, Jacqui Gonzaga at Cianne Dominguez na ang concept is about MENTAL HEALTH.

Deserved ang team nila Kim to be a winner dahil sa buwis buhay nilang performances lalo na ang ginawa ni Kim.

Ang napalunan ng grupo ay ido-donate nila sa mga nahagupit ni Typhoon Kristine.



Sadyang blessing nga talaga ang 2024 kay Kim.

Na-broken hearted man ay sunud-sunod ang dumarating na blessing sa aktres.

Ang mga hurado ng Magpasikat Ka ay sina direk Rory Quintos, Alice Dixson, Gabby Garcia, Donny Pangilinan at ang former president ng ABS-CBN na si FMG.

***

KAPANSIN-pansin ang sweetness nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa bagong post ni @chinitaprincess sa kanyang Instagram Page.

Same sports outfit ang dalawa sa event na kanilang pinuntahan.

Ginanap ang event sa World Trade Center, Pasay City.

Ani Kim sa kanyang message post : “Yesterday at the 2024 International Motor Show opening day here with @pauloavelino for @hyundaimotorphilippines!”

“Twinning is winning daw po”

“Very good po nakaisip sa fit nila.. Cuteee!”

“The power couple. Iba talaga ang datingan ng KimPau ehhh”

“Kim Chiu ‘atapang’ Avelino you look sooo good together”

“Tapang na talaga nila grabeh kimpaulandia loves you both soon so much”

“I love the last pic kimpau lover”

Sabagay, kapansin pansin kasi magkadikit ang dalawa pero kahit nakatago ang kamay ay masisilip na magka-holding hands sila.

Aba maging sa picture #5 rin ay magkakapit kamay sila di nga lang halata. Tama ba KimPau?

***

IRIS ‘MARUPOK’ AWARDEE

NATAPOS na ang paghihintay ng EchoNine fandom (Jericho Rosales-Janine Gutierrez) na magkaroon ng intimate scene ang dalawang lead star sa Lavender Fields.

Sa pagbabalik ni Tyrone sa piling ni Iris hindi napigilan ng huli na di maging marupok.

Mismong si Iris ang unang humalik kay Tyrone at nawala ang kanyang galit sa sobrang pagmamahal nito sa mister.

Hindi rin nakapagpigil si Tyrone at very tender na ginantihan ng halik si Iris.

Napaka-intense ng lovecene ng TyRis.