Pagbubuntis Ni Alex Gonzaga Bigay Ng Maykapal At Sa Tulong Ng Chef Ayb’s Paragis; Toni Gonzaga At Mommy Pinty Parehong May Mensahe Kay Alex
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Marami, ang mga naantig, natuwa at masaya sa social media post ng sikat na Actress-Comedianne-Top Vlogger na si Alex Gonzaga. Na tungkol sa kompirmasyon nito, na finally ay buntis na siya. Kasama sa post at upload video ni Alex ang picture nila together ng mister na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada na just like his wifey(Alex) ay feeling heaven, rin dahil finally ay ipinagkaloob na ni Lord ang matagal ng inaaasam ng mag-asawa na baby. Narito ang buong post ni Alex na umani ng maraming likes, comments, and reactions. Nasa almost 80K views na rin ang upload na video ni Alex.
“After almost 6 years of marriage and 3 heartbreaking losses, we never lost faith and continued to surrender everything to the Lord. While preparing for IVF, the Lord Jesus blessed us with natural pregnancy.
“We want to thank everyone who prayed with us, hoped with us, and supported us through this journey to becoming parents. By God’s grace, our prayers have been answered, and we are finally going to be mommy and daddy(VM Mikee Morada). The Lord Jesus truly answers prayers. Please continue praying with us for a safe and healthy pregnancy until our baby arrives(heart emoji)”. Excited na ang famous couple sa pagdating ng kanilang anghel. At si Alex ay humihingi pa rin ng dasal nang tuloy-tuloy na niyang mapagtagumpayan ang natural pregnancy niyang ito. For me, I’m very positive na makakamit nila ni VM Mikee, ang magandang regalo na ito sa kanila ng Diyos.
***
Maliban sa mga kaibigan at kapwa celebrity at ng mga kompanyang ineendorso na bumati kay Alex, para sa kanyang pagbubuntis. Ay masayang-masaya para sa kanya ang sister na si Toni Gonzaga na parating isinasama sa prayers na mabiyayaan na ng anak ang bunsong kapatid. At narito ang mensahe ni Toni for Alex, na makakapagbigay inspirasyon sa mga nagha-hangad na magka-baby.
“I guess, this is also a nice story of hope para dun sa mga naghihintay na magka-anak or longing(for one) or anyone waiting for something they’re praying for, that in due time, God will make it happen for them also.
“Kung nagawa Niya ‘yun kay Alex, kayang-kaya din Niya ‘yung gawin para sa kahit kanino na nagpe-pray at naniniwala sa Kanya. So, keep the faith”. Makabuluhang pahayag ng TONI TALKS Host about sa pregnancy ng loving sister.
For Mommy Pinty, naman nang ibalita ni Alex sa kanila Daddy Bonoy na kompirmadong buntis na ang kanilang loving daughter ay sobrang saya nilang mag-asawa. At agad silang nagpasalamat sa Diyos at sa magaling na OB Gyne ni Alex na eksperto pagdating sa ‘fertility’.
Dagdag pa ni Mommy Pinty ay nakatulong rin ng malaki ang regular na pag-inom ni Alex ng Herbal Tea at pag-take ng Capsule ineendorso nilang Chef Ayb’s Paragis . Dati rati raw kasi ay nagmimintis sa pag-inom nito si Alex. Biniro pala namin si Mommy Pinty, sa text namin sa kanya na may bagong Apo na naman silang regular na bibisitahin ni Daddy Bonoy. At syempre kasama na diyan ang regular visits nila sa mga apo nila kay Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na sina Polly at Seve.