Advertisers

Advertisers

Ika-115 na Graduation Ceremony ng Shincheonji, dinaluhan ng Higit 100,000 katao… Panawagan sa Pandaigdigang Komunidad para sa Kalayaan sa Relihiyon

0 144

Advertisers

SOUTH KOREA — Noong Oktubre 30, ipinagdiwang ng Shincheonji Church of Jesus ang ika-115 na graduation ceremony kung saan may 111,628 na nagtapos. Ito ay orihinal na pinlano bilang bahagi ng malakihang “Religious Leaders Forum and Graduation Ceremony” na inorganisa kasama ang Association for Buddhist National Unification of Korea. Ang pagtatapos ay gaganapin dapat sa Imjingak Peace Park sa Paju, na kung saan may mahigit 30,000 ang personal na dadalo mula sa 57 bansa, kabilang ang 1,000 pinuno ng iba’t ibang relihiyon na kumakatawan sa Kristiyanismo, Budismo, Islam, at Hinduismo. Gayunpaman, isang araw bago ang kaganapan, kinansela ng Gyeonggi Tourism Organization ang reserbasyon ng lugar, sinasabing ito ay dahil sa “security concerns” na may kaugnayan sa mga kamakailang aktibidad sa North Korea. Tinawag ito ng mga lider ng Shincheonji ay bilang diskriminasyon at sinabing nilalabag nito ang mga karapatang pang-konstitusyon para sa kalayaan sa relihiyon.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Shincheonji Church of Jesus, natanggap ng simbahan ang pag-apruba ng reserbasyon noon pang Hulyo 22 at binayaran nang buo ang reserbasyon noong Oktubre 2. Noong Oktubre 16, nagkaroon ng pulong ukol sa pagpaplano sa lugar kabilang na ang layout, seguridad, at special effects na gagawin. Nirepaso na ng Gyeonggi Tourism Organization ang lahat ng detalye at natapos ang mga inspeksyon sa kaligtasan. Sa parehong araw, idineklara ng Gyeonggi Province na “danger zone” ang buong lugar ng Paju, ngunit ipinaalam sa simbahan na ito ay may kaugnayan sa pagbabawal ng mga leaflet mula sa North Korea at walang kinalaman sa kaganapan. Bukod dito, noong Oktubre 23 at 28, dalawang beses na kinumpirma ng mga opisyal na walang plano na kanselahin ang reserbasyon.

Nanawagan ang Shincheonji Church sa gobyerno para sa pananagutan dahil walang konsultasyon o paunang abiso na ibinigay, ni “anumang makatwirang paliwanag” para sa pagkansela. Ayon sa opisyal ng simbahan, “This decision not only disrupts an event that has been in preparation for months but also disregards the considerable investment, amounting to over 20 billion korean won, that was made to ensure a safe and successful gathering for our members. Instead of working with us to address any concerns, the authorities chose to notify us of the cancellation just as the event was about to begin” (Ang desisyong ito ay hindi lamang nakakaapekto sa isang kaganapang inihahanda sa loob ng ilang buwan; hindi rin isinasaalang-alang ang malaking pamumuhunan na umabot sa mahigit 20 bilyong korean won, upang matiyak ang isang ligtas at matagumpay na pagtitipon para sa aming mga miyembro. Sa halip na makipagtulungan sa amin upang tugunan ang anumang alalahanin, pinili ng mga awtoridad na ipaalam sa amin ang pagkansela sa mismong oras na magsisimula na ang kaganapan.)



Ayon sa simbahan, dahil sa kakulangan ng komunikasyon o pagsasaalang-alang ng mga alternatibong pag-aayos, kinailangan nilang ilipat ang libu-libong katao sa sangay ng Shincheonji sa Cheongju. Kabilang dito ay mga internasyonal at lokal na mga lider ng relihiyon, pati na rin ang mga nagtapos na galing pa mula sa ibang bansa.

Ang insidenteng ito ay muling pumukaw ng atensyon mula sa pandaigdigang komunidad ukol sa hindi pagkakapantay-pantay ng relihiyon sa South Korea. Naunang inihayag sa U.S. State Department’s International Religious Freedom Report ang mga alalahanin tulad ng pag-uusig sa Shincheonji Church of Jesus at pagtanggi ng gobyerno na aprubahan ang pagtatayo ng mosque.



Ang Association for Buddhist National Unification of Korea at ang Shincheonji Church of Jesus ay nananawagan sa gobyerno ng South Korea na igalang ang kalayaan sa relihiyon, itaguyod ang mga karapatang pantao, at iwasto ang hindi makatarungang desisyon na ito. Hinihikayat nila ang mga internasyonal na organisasyon na bantayan ang sitwasyong ito at gumawa ng angkop na aksyon upang protektahan ang kalayaan sa relihiyon.

Sa kanyang mensahe sa mga nagtapos, hinikayat ni Chairman Lee Man-hee ang pagkakaisa at pagtutulungan, at sinabing, “Let’s cooperate and help each other rather than criticize or persecute so that our country may shine brightly” (Magkaisa tayo at tulungan ang isa’t isa sa halip na magbatikos o umusig upang magningning ang ating bansa).



Matapos ang makasaysayang kaganapang ito, ang Shincheonji Church ay naghahanda rin ngayon para sa isang serye ng mga internasyonal na Bible seminar mula Nobyembre 10 hanggang 17, sa 30 lokasyon sa buong Pilipinas. Kabilang sa mga pangunahing venue sa Pilipinas ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig sa Metro Manila; Silang, Cavite; Davao City; at iba pa. Tatalakayin ng mga seminar ang interpretasyon ng simbahan sa mga propesiya sa Bibliya at mga aral hinggil sa “end times” sa aklat ng Pahayag.

Bukas ang imbitasyon sa lahat ng mga pastor, lider ng relihiyon, at mga miyembro ng kongregasyon upang makilahok sa talakayan at pag-aaral ng mga propesiya sa Bibliya. Para sa mga interesadong dumalo, maaaring magparehistro sa online registration form: bit.ly/NHNEBibleSeminar

Para sa karagdagang detalye at mga katanungan ukol sa buong schedule ng seminar at mga venue, mangyaring magpadala ng mensahe sa Facebook page ng New Heaven New Earth PH: www.facebook.com/NHNE.PH