Advertisers

Advertisers

QUADCOMM SA DRUG WAR NI GONGDI

0 55

Advertisers

IPAGPAPATULOY bukas ng QuadComm ang pagsisiyasat sa madugo pero palpak ng giyera kontra droga ni Gongdi. Idadaos ng QuadCommm ang ikasampung public hearing upang marinig ang mga testimonya ng iba’t ibang resource person at saksi sa war on drugs ni Gongdi na kumitil ng humigit kumulang sa 30,000 katao.

Sa nakalipas na mga public hearing, napatunayan na iniutos ni Gongdi ang madugong programa upang tapusin ang problema sa droga. Hindi lumantad si Bato dela Rosa sa QuadComm upang magbigay liwanag sa kanyang papel bilang punong tagapagpatupad ng digmaan kontra droga ni Gongdi. Ngunit napatunayan na siya nga ang lumagda sa Memorandum Circular 1 na gumamit sa PNP bilang pangunahing kasangkapan ng war on drugs ng tila nababaliw na dating pangulo.

Pumatay ng walang habas ang mga pulis at hindi nakilalang vigilante batay sa hinala na sangkot ang mga pinatay sa kalakalan sa droga. Napatunayan na mayroon sistema upang bigyan ng pabuya at gantimpala ang mga tauhan ng PNP sa kanilang napatay sa war on drugs si Gongdi at si Bong Go ang nagsilbing bagman sa reward system.



Sa mikli, si Gongdi ang nag-utos, si Bato ang nagpatupad ng utos, at si Bong Go ang namigay ng pabuya. Sila ang tatlong pangunahing opisyales ng gobyerno na nasa likod na madugong giyera kontra droga. Mga pulis ng PNP at hindi nakilalang vigilante ang pumatay na mga mamamayan na pinaghinalaan na sangkot sa droga.

Hindi totoo ang ipinagmagaling na “nanlaban” ang mga pinatay. Walang batayan ang lumaban sa anumang paraan ang mga suspect. Dahil matindi ang takot na magisa sila sa QuadComm, minarapat ni Bato at Bong Go na magdaos ng sariling public hearing ang Senado kung saan sila ang magsisilbing tagasiyasat at tagahot sa isy ng droga.

Matinding kinutya at pinagtawanan ang public hearing ng Senado na tinawag na HuwadComm, o TuwadComm. Lumantad si Gongdi at kinontrol ng kanilang pangkat upang ang naratibo sa droga, ngunit bumalandra sa kanilang mukha ang maling gawa.

Hindi malaman kung anong aspeto ang tatalakayin sa pagdinig ng QuadComm bukas, ngunit may sapantaha kami na tatalakayin ang pagpatay sa retiradong heneral na si Wesley Barayuga na nagsilbing board secretary ng PCSO. Lumabas kasi sa narcolist ni Gongdi ang pangalan ni Barayuga kahit hindi siya sangkot sa droga.

Inaasahan na isasalang bukas sa mga saksi si P/Col. Hector Grijaldo, hepe ng Mandaluyong City Police, ng tambangan ng hindi nakikilalang salarin sa siyudad na nasasakupan niya. Pinagbintangan ni Manila Kin. Benny Abante, hepe ng komite sa human rights, na hindi gumawa o nagsumite ng police report si Grijaldo. “Wala lang,” ani Abante sa kakulangan ng aksyon ni Grijaldo.

Nag-isyu ng affidavit si Grijaldo na pinilit siya umano ni Laguna Kin. Dan Fernandez, hepe ng komite sa public order and safety, upang patunayan ang reward system. Ipinagkaila ito ni Fernandez. Sa pakiwari ni Abante, kaya ginawa ito upang makalibre si Grijaldo sa kanyang testimonya sa QuadComm, ngunit mukhang iginiit ng komite ng Camara na palabasin sa lungga upang magsalita si Grijaldo.



***

MUKHANG mananalo ng landslide si Kamala Harris laban kay Donald Trump sa halalan sa Estados Unidos ngayong Martes. Sa aking pagsuyo sa social media, wala akong makita kahit isa na sumusuporta kay Trump. Tanging suporta kay Kamala ang aking nabasa s social media lalo san a X (dating Twitter).

May kutob ako na paliliguan si Trump. Kahit ang mga balita ay hindi pabor kay Trump. May nabasa ako na aalis si Trump sakaling hindi siya palarin. Maigi sapagkat simple ang mensahe niya sa publiko. Hindi na makakapaglunsad ng gulo si Trump sa sandaling matalo hindi. Hindi na niya magagawa ang insureksyon na sinalihan niya noong 2020 nang natalo siya kay Joe Biden.

Pabor sa Filipinas kung manalo si Kamala. Mas mainam ang polisiya ng mga Democrata sa ating bansa. Hindi tulad ni Trump na kumampi sa mamamatay tao at hindi pinansin ang mapinsalang war on drugs ni Gongdi. Palarin ka sana, Kamala!

***

MGA PILING SALITA: “BONG Go is now a senator, a policymaker. He should go beyond mere distribution of relief goods to calamity victims. As a lawmaker, Bong Go should work to put in place a rational and workable disaster management program that adheres to disaster preparation, mitigation, and rehabilitation. Kaya ba niya ang trabahong ito? O malalim ang mga ito para sa isang alalay?” – PL, netizen, kritiko

“The Jews have learned their lessons (they’re plenty) from Adolf Hitler and the Nazis, who almost obliterated them as a race and people from the face of the Earth. There were about 11 million Jews spread all around Europe at the time Hitler became a dictator, and more than half of them were killed by the Nazis. They won’t give any quarters to any attempt to obliterate them again. The Hamas should have known better. But they are incapable of learning the lessons of history. Too primitive and crude, if you would ask me. They have no choice but to face the consequences. The late Yasser Arafat learned it quite late when the Israelis obliterated the Palestinian Liberation Organization (PLO) in the early 1980s when they attacked its base in Lebanon. The Egyptians and Jordanians know their lesson and they have peace accords with the Israelis.. They are in peaceful coexistence with the Israelis.” – PL, neizen. Kritiko

“Dinadala ng pangulo ang mga adhikain at pangarap ng sambayanan. Hindi lang siya ang nagpapatakbo ng makinarya ng pamahalaan; siya rin ang simbolo ng estado. Kinakatawan niya ang mga katangian, pangarap, at kasaysayan ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na ang pangulo’y iginagalang ng buong bansa. Hindi siya ang pangulo ng iilan lamang Siya ang pangulo ng buong bansa, kasama na ang mga katunggali niya sa larangan ng pulitika.” – Archie Mendoza,netizen