Advertisers

Advertisers

BABAENG NEGOSYANTE, NAKALIGTAS SA PANANAMBANG NG “RIDING IN TANDEM”

0 11

Advertisers

Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang babae habang nasa loob ng sasakyan matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo sa tabi ng Oriental Place, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City ngayong Huwebes, September 24,2026.

Nakilala ang biktima na si Ruby Jeanne Hernandez Carlos, nasa hustong gulang, at residente ng PH 1-B Aguinaldo, AFPOVHAI, Taguig City.

Ang dalawang suspek ay naiulat na nakasuot ng damit na Move It, nakasakay sa pulang motorsiklo na walang plaka.



Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap bandang 6:50 ng umaga sa ChinoRoces Avenue, sa harap ng Unibank at BDO na nasa tabi ng Oriental Place.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ang biktima ng kanyang SUV Nissan Tierra na kulay puti, may plaka CCB 2298 sa kahabaan ng Chino Roces Avenue nang biglang sumulpot ang dalawang suspek sa gilid ng sasakyan ni Carlos.



Ilang saksi umano ang nakarinig ng sunod-sunod naputok ng baril mula sa kinaroroonan ng biktima kung saan ay nakita rin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa binti at hita kung saan ay dinala siya ng rumespondeng rescue ambulance sa Makati Medical center para sa medical treatment.



Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho ang motibo nang pamamaril sa biktima. (JOJO SADIWA)