Advertisers

Advertisers

BOC CHIEF NEPOMUCENO, NAKUNSUMI SA SUBIC PERO NAKABAWI SA BOC-NAIA

0 5

Advertisers

Nakunsumi kelan lang si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na naging dahilan para magsampa ito sa Department of Justice ng mga kriminal na kaso laban sa ilang Subic Customs personnel, dahil sa P17.5 million misdeclaration of agricultural shipments.

Ayon sa kanyang spokesman na si Atty. Cris Noel Bendijo, pinaninindigan talaga ni Nepomuceno na wala itong sasantuhin sa paghabol sa mga smugglers at kasapakat nito, lalupa’t kung ang mga sangkot ay mismong Customs officials o employees.

“Wala tayong pagtatakpan at hindi natin kukunsintihin ang anumang paglabag, lalo na kung may pagtatangkang abusuhin ang ating mga proseso. Importer man, broker, o kawani ng Customs, kung may sapat na ebidensya, gagawin natin ang nararapat at ihaharap ang kaso sa tamang proseso. Ang pananagutan ay para sa lahat,” pagbibigay-diin ni Nepomuceno.



Kung mahigpit si Nepomuceno sa mga tiwali, hindi rin naman ito matipid sa pagpuri ng mga tauhan niya na may magandang performance.

Gaya na lang nang parangalan niya si Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) District Collector Atty. Maria Yasmin Obillos-Mapa, para sa ‘exemplary performance in revenue collection, border protection, trade facilitation and public service.’



Bukod kay Mapa, may iba pang nakatanggap ng parangal kasabay ng pagdiriwang ng bureau ng ika-66 taong anibersaryo nito.

Ani Nepomuceno,“Natutuwa kami sa inyo, masaya kami lagi sa pamumuno ni Collector Yasmin Mapa because of her strong leadership. You are able to deliver exemplary performance not only in terms of collection, but more importantly, with good governance and the camaraderie which I always see in your tea.”



Sa ilalim kasi ng pamumuno ni Atty. Mapa, nakakulekta ang BOC-NAIA ng ?32.53 billion mula January to August 2026, na lumagpas sa target nang may 7.88 percent o ?2.38 billion at nakapagtala din ng 14.11 percent growth in collection, pinakamataas mula nung 2023.

Ayon pa kay Nepomuceno, ang nasabing Port ay nakapagtala din ng 1,266 apprehensions na may halagang ?1.64 billion at kasama ang partner law enforcement agencies, ay napigilan ang higit ?1.57 billion halaga ng illegal drugs na makarating sa mga komunidad.

Hindi naman sinolo ni Mapa ang kredito, dahil pinuri naman niya ang mga tauhan ng BOC-NAIA para sa kanilang ambag sa progreso ng Port.

“To the people behind every accomplishment I have shared with you today–the men and women of the Port of NAIA, none of these achievements would have been possible without your hard work, dedication, and willingness to go beyond what is expected of you,” pahayag ni Mapa.

Mahigpit naman ang tagubilin ni Nepomuceno sa BOC-NAIA na “Ipagpatuloy niyo lang ’yan dahil kailangan ko ang tulong niyo, kailangan ng bansa ang tulong ninyo. Ang maganda ninyong performance ay malayo ang nararating para sa ating mga kababayan. Pagbutihin pa ninyo upang tuloy-tuloy ang ating kasiyahan at tagumpay bilang isang pamilya ng Bureau of Customs.”

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.