Advertisers

Advertisers

Nagsabunutan sa ‘tarugo’

0 9

Advertisers

DALAWANG empleyado ng immigration sa NAIA 3 ang nagsabunutan Martes ng gabi.

Nangyari ito mismo habang nasa kanilang duty at nasa kasagsagan ng pagdating ng mga pasahero. Kaya nabulabog ang lahat sa sigawan at sabunutan ng dalawang bebot, na ang pinag-awayan ay isang lalaki na kasamahan din nila sa trabaho.

Hindi naman daw kaguapuhan ang lalaki na kanilang pinag-aawayan. Mas pogi pa raw si Paul Gutierrez ng dalawang paligo. Hehehe…



Ito raw kasi si lalaki ay inanakan ang isa sa mga nagsabunutan, tapos hindi na nito pinapansin. Marahil sawa na siya sa katawan nito, at mas sariwa itong bago. Siempre!

Una raw sumugod itong inanakan, kinukuhanan ng video o picture yung bago ni lalaki. Tinangka agawin ng bago ang cellphone pero ang nahawakan ay buhok nung sumugod kaya ayon… umaatikabong sabunutan ang nangyari.



Ganito naman talaga ang mga babae ‘pag nag-away, sabunutan at sampalan.

Pero ang kahiya-hiya rito ay nabunyag sa madla lalo sa kanilang mga kasamahan ang kanilang mga personal na sekreto.



Okey lang ito sa lalaki. Magyayabang pa nga ‘yan sa kanyang mga kaibigan eh.

Pero ang ganitong pangyayari ay maaring ikatanggal nila sa trabaho lalo kung kasal ang lalaki at tumira pa ng iba. Ito’y ipinagbabawal sa Civil Service.

Anyway, personal na buhay nila yun. Nakitsika lang naman tayo. Hehehe…

***

NAGBABALA ang DOST-PAGASA sa mararanasang “very strong” El Nino mula ngayong Setyembre hanggang Disyembre at posible umabot pa sa unang kalahati ng 2027. Araguy!!!

Mula raw ito sa strong El Nino na kasalukuyang nararanasan sa Tropical Pacific.

Pero kahit naman daw ay may El Nino ay may mga pag-ulan parin at bagyo na papasok sa bansa.

“El Nino does not mean that rain will completely stop. The ongoing Southwest Monsoon (Habagat) and active tropical cyclones may still bring short-term heavy rainfall, particularly over the western sections of the country,” paliwanag ng DOST-PAGASA.

Well, sanay na tayo sa init at ulan. Bring it on!!!

***

SANG-AYON si Atty. Christian Monsod sa anim sa 11 surviving members ng Framers ng 1987 Constitution ang pumabor na tama ang ruling ng Senado, na ang 2/3 ay hindi puede palitan pero ang denominator ay napapalitan.

Tatlong Chief Justices plus 6 Framers na ang nagsabi nito. Period!

Ito’y hinggil sa kasalukuyang Senator-Judges na nagpa-participate sa Impeachment Trial laban kay VP Sara Duterte.

Tatlo sa 24-miembro ng Senado ang ‘di kalahok sa trial. Kaya 14 votes lang ang kailangan para ma-impeach si Sara!