Advertisers
Naka-install na ang mga walk-through metal detector sa mga pampublikong junior at senior high school sa lungsod ng Parañaque upang mapalakas ang seguridad at maiwasan ang pagpasok ng mga nakalalason o delikadong bagay.
Nakapuwesto na ang mga device sa mga entrada ng junior at senior high schools.
Lalagyan din ng mga metal detector ang mga pampublikong elementary school sa lungsod.
Layunin nito upang hadlangan na hindi makapasok sa mga paaralan ang mga patalim, baril, at iba pang nakamamatay na sandata.
“Naglagay po ang ating city ng mga walkthrough metal detector. Sa lahat ng ating senior and junior high school. Lalagyan rin po lahat ng Elementary School. Ito pong ating mga metal detector ay para ma-augment yong iba pa nating mga security measures, kung saan kasama po natin yong ating mga local school board at civilian security unit. We also encourage private schools na maglagay nitong metal detector para maging safe ang lahat ng estudyante dito sa ating siyudad” – sabi ni Olivarez.
Hinikayat din ni Mayor Edwin Olivarez ang mga pribadong paaralan na maglagay ng sarili nilang mga metal detector para sa kaligtasan ng lahat.
Sinabi ni Olivarez na ang mga detector ay nakalagay na sa mga junior at senior high school, kung saan na ang pag-install sa mga elementary school.
Naka posisyon ang naturang mga device sa mga entry point ng mga paaralan upang i-screen ang mga mag-aaral bago sila pumasok sa campus.
Ang nasabing kagamitan pangkaligtasan ay para bigyan ang mga paaralan ng karagdagang kasangkapan upang makita o ma-detech ang mga metal na bagay na maaaring magamit upang makapinsala sa mga mag-aaral, guro at mga tauhan ng paaralan.
Nanawagan din si Olivarez sa mga pribadong paaralan na gamitin ang parehong panukalang panseguridad, na nagsasabing ang kaligtasan ng paaralan ay dapat umabot sa parehong pampubliko at pribadong institusyon.
Ang naturang hakbang ay upang tiyakin na nakakapag-aral ng ligtas ang mga estudyante sa mga paaralan sa lungsod.
***
Anumang reaksyon o suheatiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com