Sa isang complainant pa lang… Ken Chan wanted sa P14-M utang, nahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo
Advertisers
Ni Blessie K. Cirera
NAGHAIN ng warrant of arrest si Atty. Joseph Noel Estrada sa aktor na si Ken Chan na dinala sa bahay nito sa Quezon City kahapon, November 8.
Pero wala si Ken sa bahay kaya hindi naisyu sa kanya ang warrant of arrest.
Syndicated staffa ang kasong kinakaharap ni Ken, kasama ang pito pang akusado.
Yung complainant na nagsampa ng kaso ay hiningan umano ng aktor ng P14-million para mag invest sa kanya.
At kaya siya lang ang hinainan ng warrant of arrest ay dahil siya raw ang tumanggap ng naturang halaga.
Hindi buong ibinigay ng complainant kay Ken ang P14-m kundi sa dalawang pakakataon.
Yung una ay nung taong 2022.
Kung naabutan si Ken sa kanilang bahay at nai-serve sa kanya ang warrant of arrest at deretso na umano siya sa kulungan
Sa tanong kung babayaran ni Ken ang 14-m, posible bang iurong ang kaso? Ang sagot ni Atty Joseph, depende raw sa kanyang client,kung makikipag-ayos ito sa aktor.
Non-bailable ang syndicated estafa na isinampa kay Ken at reclusion perpetua ang magiging hatol, meaning habang buhay ang kanyang pagkakakulong
Sana ay mabayaran ni Ken ang umano”y utang niya at makipag ayos na lang sa complainant. Sana ay malusutan niya ang kanyang kaso.Kung wala siyang 14-m,sana ay mapautang siya ng kanyang mga kaibigan. Tulungan sana nila si Ken na balitang nasa ibang bansa ngayon.