Advertisers

Advertisers

Gilas pinahiya ang New Zealand sa FIBA Asia Cup qualifiers

0 17

Advertisers

TINULDUKAN ng Gilas Pilipinas ang kanilang losing streak laban sa New Zealand sa pamamagitan ng nakakakilig na 93-89 wagi sa FIBA Asia Cup qualifiers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City Huwebes ng gabi.

Pansamantalang pinatahimik ng New Zealand ang Crowd sa 13-4 start at nakatutuk sa kanilang seventh straight win laban sa Pilipinas.

Pero bumalikwas ang Filipino dribblers at nagpakawala ng 16-0 run sa pamumuno ni Justine Brownlee,Kai Sotto, at Scottie Thompson sa third quarter para sa 72-60 lead para paligayahin ang 11,686 hometown crowd.



Pinuri ni Gilas head coach Tim Cone ang pagsisikap ni Kai Sotto at June Mar Fajardo sa balyahan sa labas at loob ng paint laban sa mas matatangkad na New Zealand.

“It’s a tough one. They (Tall Blacks) are good, they are really good. They are incredibly physical and I think that’s the no. 1 thing we have to battle through,” Wika ni Cone pagkatapos ng laro.



Brownlee umiskor ng game-high 26 points, Sotto at Thompson nagdagdag ng 19 at 12 points,habang si Dwight Ramos at Chris Newsome nagdagdag ng tig-11 points at Fajardo bumakas ng six points.

Sa kanilang makasaysayang tagumpay laban sa New Zealand, ang pilipinas ay nanateling undefeated sa 3-0 sa tuktuk ng Group B.



Ang susunod na makakatunggali ng Gilas Pilipinas ay HongKong sa Linggo, at umaasang makasilat ng isa pang panalo para gawing pormal ang kanilang entry sa FIBA Asia Cup.

Pinamunuan ng dating NBA plyer ang opensiba ng New Zealand sa iniskor na 25 points,kabilang ang 5 triples. pero umiskor lang ng two points sa final quarter.

Ang Iskor:
Gilas Pilipinas (93): Brownlee 26, Sotto 19, Thompson 12, Newsome 11, Ramos 11, Fajardo 6, Perez 3, Oftana 3, Tamayo 2,

New Zealand (89): Webster 25, Vodanovich 19, Waardenburg 19, Britt 8, Le’afa 6, Brown 5, Harris 3, Cameron 2,