Advertisers

Advertisers

‘Di kaya si Ryan Salvador ang magpapatalo sa Team Quimbo?

0 73

Advertisers

Usap-usapan ngayon saan mang sulok ng Marikina City itong sinasabing dating tauhan ni Mayor Marcy Teodoro na nakaamoy nang panganib matapos na malamang tatakbo bilang Alkalde ang isa sa mga Quimbo, ito’y ng hindi pa pormal na nagfile ng COC si Cong. Teacher Stella Quimbo.

Lalong natuwa itong tauhan ni Mayor Marcy ng pormal ng maghain ng kandidatura bilang mayor si Teacher Stella at tila nagala tipaklong sa paglundag sa kampo ng Team Q.kasi alam niyang mananalo.

Hindi na siguro kailangan pa mga Ka Usapang HAUZ na itago ang pagkakakilanlan nitong tauhan ni Teodoro na si Ryan Salvador na kahit sinong maging Ama ng Marikina ay andun siya sa puwesto. di po ba mayor Del De-Guzman sayo lang ito hindi nakaporma?



Ayon sa impormante ng Usapang HAUZ pinangangalandakan di umano nitong si Salvador na siya ay nagbitiw sa kanyang puwesto bilang hepe ng juicy posistion na GSO o General Services Office dahil hindi na daw nito masikmura ang palakad ng kanyang boss sa City hall.

Pero sa parte naman ng kanyang boss na si Mayor Teodoro sinibak niya si Salvador at tauhan nitong isang nagngangalang Nene Rivera ay dahil sa hindi maipaliwanag na mga transaksiyon sa loob ng City Hall. Sino kaya sa kanila ang nagsasabi ng tutuo?



Balikan natin mga Ka Usapang HAUZ ang tunay na isyu ang sinasabi ng mga supporters ng Team Quimbo na “Baka sa halip na makatulong eh siya pa ang magpatalo kay Teacher Stella” pahayag yan ng mga taga suporta partikular ang mga Kababaihan.

Meron pang pinarating na di kaaya-aya ang impormante ng Usapang HAUZ na itong si Salvador ay may ginawang pambabastos sa isang malaking event na inorganisa ng Team Quimbo sa Q-HUB LTO.



Ganito po iyon, itong si Inday Diaz ay siyang overall President ng Samahang Pink Lady sa Marikina at naimbitahan ito bilang representante ng naturang samahan subalit ng tawagin na ng emcee ang dapat pangalan ni Inday ay isang Nene Rivera na ang may tangan ng posisyong Presidente ng Pink Lady ito ay ayon kay Mr. Ryan GSO Salvador. gaano ito katutuo sir ryan?

Kaya sa ngayon mga Ka Usapang HAUZ ay litong lito ang mga samahang kababaihan kung sino talaga ang kanilang susundin si Inday ba o ang sinasabing bata ni Salvador.

May nakarating na impormasyon sa Usapang HAUZ na may naganap palang pagpupulong sa pagitan ni dating Marikina Mayor Marides Fernando at ang Team Quimbo sa pangunguna ni former 2nd District Congressman Miro at maybahay nitong si Teacher Stella na ang naging topic ay ang pagpaalam hinggil sa pagsapi ng Pink Lady sa Team Q na lingid sa kaalaman ng buong Marikenio ay ito ay naitatag at lumawak ng lumawak sa kapanahunan ng kabiyak ng namayapang Mayor BF na hanggang sa ngayon ay patuloy na samahang matatag. Alam kaya ito ni Mr. Salvador? Nagtatanong lang po sir.

Sa palagay ng mga Ka Usapang HAUZ ay lingid sa kaalaman ng Quimbo couple ang ginawa nitong si Mr. GSO Salvador na ipahiya ang Pink Lady President na si Inday Diaz kung kayat mas makabubuti na agad na magpatawag ng pagpupulong ang Team Quimbo para maliwanagan ang hindi magandang isyu.

Sa panig naman ng Usapang HAUZ bukas ang column na ito para sa iyong paliwanag Mr. Salvador at para na rin sa malayang pamamahayag.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036