Advertisers
NAGHARI ang National University sa Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship Linggo ng gabi matapos magwagi kontra De La Salle University,23-25, 25-18, 25-16, 25-20, sa Game 2 ng kanilang best-of-three title showdown sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Nasungkit ng Lady Bulldogs ang Game 1 Biyernes,25-16, 25-12, 27-25.
Alyssa Solomon, tinanghal na Best Opposite Spiker,iniskor ang kanyang 19 points on attacks para makamit ng NU ang NU ang kanilang ikatlong dikit na titulo.
Ang reigning University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champion sinako ang SSL national Invitational title nakaraang Hulyo.
“Of course, the experience to play in Shakey’s is very important to NU in preparation for the UAAP. So, we’re thankful for the opportunity like this,” Wika ni coach Sherwin Meneses matapos makamit ang kanyang first title sa NU.
Kinumpleto nya ang Grand Slam sa professional ranks sa Creamline ngayon taon.
Most Valuable Player Bella Belen umiskor ng 15 points on 12 attacks, two blocks at ace habang si Vangie Alinsug nagdagdag ng 10 points,kabilang ang game-winning spike.
“We really worked hard for our win because we knew La Salle would fight, so I told my teammates that we have to fight, too,” Wika ni Belen na natanggap rin ang kanynag first Best Outside Spiker award.
Angel Canino pinamunuan ang La Salle sa iniskor na nine points habang si Alleiah Malaluan at Katrina Del Castillo nagtala ng eight at seven points,ayon sa pagkakasunod.