Advertisers

Advertisers

PAG-ARESTO SA PEKENG IMMIGRATION OFFICERS AT NAMEMEKE NG BI STAMPS, PINURI NG BI

0 54

Advertisers

IPINAGBUNYI ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa mga pekeng immigration officers at tatlong miyembro ng sindikato na namemeke ng BI stamps na sangkot sa trafficking ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Ibinahagi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang tatlong indibidwal na hindi binanggit ang pangalan alinsunod sa anti-trafficking laws, ay naaresto noong November 11 matapos na magbigay ng kanilang iligal na serbisyo sa mga nagnanais sanang maging overseas workers.

Ang tatlo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 o falsification by private individuals and use of falsified documents at Article 177 o Usurpation of authority or official functions of the Revised Penal Code. Posible rin na maharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11862 or the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.



Ayon sa BI, nakapagtala na sila ng 21 kaso ng paggamit ng fake stamp simula July ng kasalukuyang taon. Nabatid na ang mga biktima ay nagbabayad ng hanggang P200,000 para sa iligal na serbisyo ng sindikato.
?
Ang modus ng sindikato ay magpapanggap na may koneksyon sila sa BI, aalukin ng kanilang serbisyo online at makikipagkita sa mga biktima sa isa sa mga shops sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at dito na kukunin ng mga suspek ang passport ng biktima at ibabalik din agad na mayroon nang fake immigration departure stamp na nakaimprenta na sa kanilang mga passport.

Sinasabi ng mga suspek na mayroon silang mga kasabwat sa immigration at inuutusan ang walang kahina-hinalang mga biktima na dumiretso na sa immigration clearance.



Gayunman, sa pagsisiyasat ng mga officers ay natutuklasan ang fake stamp sa passports ng mga biktima, kaya hindi sila pinayagang sumakay ng kanilang flight.

Binanggit ni Viado ang kaso ng isang ‘Ben’, 30, na nagtangkang lumipad patungong Dubai noong November 6 sa NAIA Terminal 3. Siya ay naharang dahil sa pagkakaroon ng fake stamp sa kanyang passport at natuklasan na nagtatangkang umalis ng Pilipinas para iligal na magtrabaho sa ibang bansa.



Noong November 15, na-intercept ng BI officers ang isang ‘Ana’, 32, na nagpakilala bilang turista at magtutungo sa Phnom Penh, Cambodia sa NAIA Terminal 3. Natuklasan din ng mga officers ang fake stamp sa kanyang passport, na inamin din kalaunan na siya ay ni-recruit para iligal na magtrabaho sa online casino sa Cambodia.

Ang mga biktima ay dinala sa inter-agency council against trafficking (IACAT), habang patuloy namang iniimbestigahan ang kanilang facilitators.

Pinasalamatan ni Viado ang Airport Police Department Police Intelligence and Investigation Division (APD-PIID) na nagpursige sa kaso na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlo.

?Nagbabala ang BI chief na ang mga kaso ng pamemeke at tampering ng passports ay hindi lulusot sa mga immigration officers na sumailalim sa masusing pagsasanay sa document fraud detection. Idinagdag pa nito na mayroon tayong state-of-the-art forensic documents laboratory na kaya i-check ang security features na invisible o hindi makikita ng ating dalawang mata.

“We have received reports that charges have also been filed against alias ‘Ana’ who allowed these syndicates to imprint a fake stamp in her passport,”ani Viado.

“Because there is falsification of public documents already, those who willfully allow this to happen may also face charges,” babala pa nito. (JERRY TAN/JOJO SADIWA)