Advertisers

Advertisers

Relasyong Sara at Zuleika

0 36

Advertisers

TATAGALUGIN ko lang ang isinulat ni Antonio Montalban sa kanyang Facebook account tungkol sa relasyong Atty. Sara Duterte-Carpio at Atty. Zuleika Lopez na pinamagatan niyang ‘17 years with Sara’:

Noong 2007, nang si Sara Duterte ay unang naging vice mayor (ng Davao City), kinuha niya ang serbisyo ng bumabang Bagobo lawyer na si Zuleika T. Lopez bilang city council secretary. Dito nagsimula ang kanilang mahabang taon ng government partnership. Si Zuleika noon ay graft investigator sa the Office of the Ombudsman Mindanao. Bago ito, siya ay information officer sa UP Mindanao simula 1995.

Nang si Sara ay nahalal na city mayor noong 2010, iniakyat niya si Zuleika bilang city administrator noong July 2010. Pero wala pang isang buwan sa puwesto si Zuleika. Ang city council noon ay pinamumunuan ng kanyang amang vice mayor, Rodrigo Duterte. Ang appointment ni Zuleika ay ni-reject ng kanyang ama. Iginiit kasi ng council ang Local Government Code na kailangan ng 5-year experience para ma-qualify para sa position.



Nagalit si Sara, nagbanta na ipatigil ang lahat ng engagements ng city council, kahit ito’y pinamumunuan ng kanyang erpat. Dapat daw siya igalang, diin niya sa city council. Nagpa-interview siya para banatan ang city council, iginiit na si Zuleika ang tamang tao dahil ito’y isang abogado. Sa proseso, napilitan si Sara na magtalaga ng iba sa posisyon. Napilitan naman si Zuleika na mag-leave.

Pero sa pagkakaalam natin ngayon, walang ni isa o sino man ang komokontra kay Sara Duterte kundi ito’y masisigawan, ipahiya.



Noong November 2010, nagdesisyon siyang utakan ang batas sa pamamagitan ng pagtalaga muli kay Zuleika, pero sa isang acting capacity. Sa paraang ito, hindi na niya kailangan ang bendisyon ng city council.

Taon 2016, si Sara ay nahalal na city mayor. Itinalaga niya si Zuleika bilang city administrator. Ang city council noon ay pinamumunuan na ng kanyang kapatid na si Paolo. Sa pagkakataong ito, aprub ang pagtalaga kay Zuleika.



Si Zuleika ang naging 2nd most powerful woman sa Davao city bilang “little mayor.” Binigyan siya ng napakalawak na awtoridad para pamunuan ang lahat ng departamento sa city hall.

Noong 2022, matapos manalo si Sara bilang vice president, itinalaga niya si Zuleika para pamunuan ang kanyang transition team sa pakikipagnegosasyon sa outgoing vice president na si Leni Robredo.

Sa ating nakikita, ang kanilang partnership ay hindi maaring paghiwalayin. Paghiwalayin mo sila at sasabog si Sara. Walang sinoman, kahit ang kanyang ama ay walang magawa sa powerful princess ng Duterte dynasty.

Kaya tama ang House Quad Committee na ilipat si Zuleika sa ibang detention facility para mapigilan si Sara sa pagwala sa House.

Ang napakataas na ego ni Sara ay dapat na talagang mapaliit, kung hindi ay lalo itong mag-aabuso, iisipin niyang walang makakapigil sa gusto niya, kahit pa ang Kongreso. Mismo!

Ang hirit naman ng mga party-list representative ay dapat nang ma-impeach si Sara. Sapat na raw ang mga ebidensiyang nakalap sa Quad Comm para patalsikin si Sara sa kapangyarihan.

***

Nagsalita na si Pangulo Bongbong Marcos sa naging banta ni VP Sara na patayin siya, kanyang First Lady, at si House Speaker Martin Romualdez.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni PBBM na hindi na niya palalagpasin ang mga pagbabanta at pagmumura laban sa kanya at kanyang misis. “Yan ay aking papalagan.”

Giyera na ito ng dating magka-alyado. Subaybayan!