Advertisers

Advertisers

Victory Joe!

0 10

Advertisers

Ang dalawang pinaka hindi malilimutan na tagumpay ni legendary Coach Joe Lipa ay parehong naganap noong 1986. Una ang korona ng University of the Philippines men’s basketball squad sa UAAP at ang bronze medal finish ng RP cage team sa Seoul Asian Games.

Pinakamasarap ang mga karangalan dahil kapwa dehadong-dehado ang Lipa-mentored na mga koponan. Aping-api sila nang mga panahong iyon.

Yung naturang RP Team ay unang nabuo pagkatapos ng Ron Jacobs – NCC era.



“12 ang kasali sa Asiad sa Korea at sabi ng marami ay pang-13 puwesto lang daw kami,” wika ng 81 na años na bench tactician.

“ All-Filipino, puro amateur at halos lahat mga bata pa, ‘ dagdag ng 5’11 na dating player din ng State U.



Pero doble sikap sila kahit kapos sa karanasan at pondo kaya na nakaikatlong puwesto na pinakamataas na nakamit natin sa ilang dekada sa paglahok sa regional meet mula noong 1962.

“Feeling ginto na rin ang natanggap namin sa tuwa ng taong-bayan sa nasungkit naming medalya, “ paliwanag ni Lipa na mga tuhod ay titanium na.



Kabilang sa naka-tanso sina Allan Caidic, Samboy Lim, Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa, Jack Tanuan,, Johnny Abarrientos, Jerry Codinera, Elmer Reyes, Glenn Capacio, Dindo Pumaren, Eric Altamirano at Harmon Codiñera.