Advertisers

Advertisers

Quiboloy lipat sa Pasig Jail

0 11

Advertisers

Sinabi ni PNP spokesperson, Brigadier General Jean Fajardo, na ililipat si Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail nitong Miyerkoles ng hapon, Nov. 27, ayon sa utos ng korte sa Pasig.

Nauna nang sinabi ng PNP na sasailalim pa sa isa pang medical examination si Quiboloy.

“The court ordered the PNP to conduct medical findings. So natapos na ‘yun, nakapag-comply na tayo sa korte but if you may recall last Nov. 8 hanggang Nov. 16 he was given medical furlough sa Heart Center and then ito may panibago lumabas ng order na hanggang today ay makabalik na siya so noong Nov. 22, nag-issue ang korte ng RTC ng Pasig para i-transfer ‘yung kanyang custody,” pahayag ni Fajardo



Sinabi ni Fajardo, na temporary lang naman ang detention ni Quiboloy sa Crame.

Nahaharap si Quiboloy sa kasong qualified Human trafficking sa ilalim ng Sec 4 (a) ng RA 9202 na non-bailable sa Pasig City Regional Trial Court.

Bukod dito, nahaharap din ang nasabing Pastor sa kasong paglabag sa Section 5(b) at section 10(a) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Pinagbigyan naman noong Biyernes ng Pasig City court ang kahilingan ni Quiboloy na extension ng kaniyang medical furlough hanggang Nobyembre 27 dahil sa mga isyu sa ngipin. (Mark Obleada)