Ipinatupad ng Philippine National Police (PNP), sa kumpas ni General Rommel Francisco Marbil, ang mass reassignment sa lungsod ng Davao.
Batay sa Special Order mula sa Kampo Krame, inilipat ang 65 PNP personnel na kinabibilangan ng apat na Commissioned Officer (PCO) at 63 Non-Commissioned Officer (PNCO) sa ibang lugar.
Kabilang sa PCO ang isang chief inspector, 2 senior inspectors at isang inspector; habang sa PNCO, kabilang ang 4 senior officers, 4 SPO3, 6 SPO2, 9 SPO1, 14 PO3, 14 PO2 at 12 na PO1.
Bumiyahe na ang naturang bilang patungong MIMAROPA, Tuguegarao, Cordillera Autonomous Region at sa Bicol Region.
Epektibo ang reassignment simula sa Lunes.
Wala pang malinaw na paliwanag ang PNP hinggil sa nasabing mass reassignment.