Advertisers
MALAKAS ang paninindigan ni President Ferdinand Marcos Jr. na isang “troubling” threat ang mga binitawang salita ni vice president Sara Duterte.
Kabilang sa pahayag na ‘yun ay may kinausap na raw ang bise presidente—kung sakaling siya ay patayin—para ipa-assassinate ang pangulo ng Pilipinas.
Sa inilabas na video message ni PBBM, sinabi niyang: “Such criminal plans should not be overlooked.”
Bagama’t hindi pinangalanan si Vice President Duterte sa mensahe ng pangulo, malinaw na patungkol ito sa pangalawang pangulo.
Nagsimula ito sa maaanghang na pahayag ng running mate ni PBBM (2022) noong Sabado na may kinausap at inutusan na siyang tao para i-assassinate ang pangulo, ang asawa nito na si First Lady Liza Araneta Marcos, at ang parliament speaker Martin Romualdez.
Ito ang kanyang sagot sa tanong ukol sa kanyang safety. Subalit walang nabanggit ang bise presidente sa nasabing online press conference kung mayroon ba siyang threat na natatanggap.
Pahayag naman ni PBBM, “The statements we heard in the previous days were troubling.”
“There is the reckless use of profanities and threats to kill some of us.”
“I will fight them,” dagdag pa niya na nanindigang hindi niya hahayaan ang anumang criminal attempts.
Ayon sa senior Department of Justice official, walang ‘immunity from prosecution’ ang bise presidente.
Ang atake ni VP Duterte kay Marcos ay nangyari ilang linggo lang matapos malagay sa hot seat sa kongreso ang kanyang amang si Rodrigo Duterte tungkol sa mga umano’y mga namatay sa ilalim ng kanyang “war on drugs” na sentro ng kanyang presidency noong 2016 hanggang 2022.
Sa mga hearing na ‘yun, sinabi ni pangulong Marcos na makikipag-cooperate ang kanyang administrasyon. Kabilang dito ang international effort patungkol sa pag-aresto sa dating pangulong Duterte na ngayon ay sumasailalim sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) para sa posibleng ‘crimes against humanity.’