MAY payo ang isang political observer: Hayaan lang, ‘wag nang pigilan pa ang kaaway sa politika kung palaging nagkakamali.
Ganito ang ginagawa ng kampo ng political enemies ni Yorme Isko Moreno na madalas ay palso at padaskol ang diskarte — na hindi na nga pinapatulan ng kanyang kampo.
Ganun kasi ang politika, sabuyan ng putik, at kahit imbento, malisyoso, walang basehan at kontra sa sentido kumon, ibinabato sa politiko, lalo na kung ang politiko ay mahal ng tao at siguradong banta sa kalaban.
Pero, pag ang paninira ay patungkol na sa relihiyon o paniniwala sa kasagraduhan ng paniniwala at tradisyon ng kapwa Pilipino, hindi dapat ito palagpasin.
Kalapastanganan na ito, at ang tema ng kolum na ito ay tungkol sa pagsasaboy ng putik laban kay Manila Wonder Boy, former Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Foul na ito, hitting below the belt, suntok sa yagbols, kumbaga ang upak ng kalaban ng dating alkalde.
Tungkol ito sa pagtatayo ng napakagandang proyekto na Manila Islamic Cemetery and Cultural Hall ni Yorme Isko.
Wala namang matutukoy na pagmumulan ng paninirang ito kungdi sa naghihingalong political carreer ng katunggali ni Yorme.
Ikinakalat na yun daw Manila Muslim Cemetery ay pinondohan ng perang galing sa dayuhan.
False, palso, peke at paninira ito at paghamak sa kakayanan na maitayo ang sementeryo ng mga kapatid nating Muslim mula sa sariling pinansiya at pagsisikap.
Hayaan natin na ituwid ang false accusation na ito, mula sa iginagalang na Shey Sakaluran Mohammad, former Director of Manila Muslim Affairs Office.
Ayon kay Director Mohammad, araw ng Pasko ng 2018, nakausap nila ang noon ay DSWD Undersecretary Isko Moreno tungkol isyu ng Bangsamoro issues at ang malaking pangangailangan na magtayo ng isang sementeryo para sa mga kapatid na Muslim sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim MIndanao (BARMM).
Ipinangako ito ni Yorme Isko at noong manalong alkalde ng Maynila, agad-agad, inumpisahan ang Muslim Cemetery at noong 2019, pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod — sa pangangasiwa ng noon ay Vice Mayor Honey Lacuna at ngayon ay Manila Mayor — ang Ordinance 8608.
Sa Ordinansa, ayon sa paliwanag ni Director Mohammad, malinaw na itinakda ang paglalaan ng pondo sa pagtatayo ng sementeryo.
“That’s political will, that none has ever stood up for us like Yorme did. Contrary to the allegations that there were misappropriation of funds, pumupunta po ang ambassadors from Islamic Cooperation kay Yorme para magpasalamat, because for the first time, hindi sila hiningan ng pera, kundi gumawa na lang, ‘yan ang sinserong pagtulong,” paliwanag ni Director Mohammad.
Malinaw ang pahayag ni Ðirector Mohammad, pagpapasalamat ang dahilan ng pagpunta noon ng mga ambassador ng Islamic Cooperation kay Yorme Isko.
“xxx hindi sila (Islamic Cooperation ambassadors) hiningan ng pera,” na taliwas, baluktot na paninira ng mga kalaban ni Yorme sa eleksiyon sa Mayo 12, 2025.
Sa paninirang ito, hindi man lantarang sinabi, malinaw na nasasaktan ang mga kapatid nating Muslim sa paninirang ito sa kanila mismo at kay Yorme Isko.
Kaya may kasunod na babala sa mga nagkakalat ng pekeng balita, na ito ang sinasabi sa pahayag ni Ðirector Mohammad:
“A reminder of Sahih-Al-Bukhari 6056 to persons who convey false information from one person to another to cause harm. I encourage everyone, my brothers and sisters, to be vigilant of fake news and misinformation.”
Aniya pa: “Ginawan tayo ng kabutihan, magbalik tayo ng kabutihan.”
Kaya paalaala sa mga pekeng propagandista laban kay Yorme Isko, mahigpit ang babala ng mga kapatid nating Muslim.
Maging mapagmasid, masigasig at matapang sa paglaban sa fake news at misinformation.
Honorable, tunay na maginoo sa salita at sa gawa ng mga kapatid natin mula sa BARMM.
Kayong napagkalat ng kasinungalingan, binigyan na kayo ng pasabi, ng babala.
Malinaw ang sinabi ni Director Mohammad: Magbalik tayo ng kabutihan sa mga ta na ginawan tayo ng kabutihan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].