INIHAYAG ng Chinese military na nagsagawa sila ng air at naval patrols sa Scarborough shoal sa West Philippine Sea nitong Huwebes.
Sa isang statement, sinabi ng Chinese military na Southern Theater Command na ang naturang pagpapatrolya na tinawag na combat readiness patrols ay para palakasin umano ang pagbabantay sa karagatan at himpapawid sa paligid sa territorial areas sa Scarborough shoal na kanilang tinatawag bilang Huangyan Dao.
Inihayag din nito na inorganisa ng China ang air at naval forces sa buong Nobyembre para magsagawa ng pagpapatroliya.
Ang naturang shoal nga ay inaangkin ng China na kinubkob nito mula sa Pilipinas noong 2012 at simula noon ay pinagbawalang maka-access ang mga Pilipinong mangingisda.